Advertisers

Advertisers

KASO LABAN SA NTF-ELCAC HARASSMENT LANG NG CPP-NPA-NDF AT KABAG – TASK FORCE

0 211

Advertisers

PANGHAHARASS at propaganda lamang ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NP-NDF) at ng mga KABAG Partylist members ang kaso nitong isinampa laban sa National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang sama-samang inihayag ng mga NTF-ELCAC Cluster Heads na pinangungunahan National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr., Vice-Chairman din ng Task Force sa isang special edition ng lingguhang balitaan ng NTF-ELCAC na ginanap sa Camp Aguinaldo kahapon.

Sinabi ni Esperon na tinutupad lamang nila ang kanilang mandato na protektahan ang bansa at ang mga Filipino sa banta ng mga teroristang-komunista kapag sinasabi nilang may kaugnayan o iisa lamang ang CPP-NPA-NDF at ang mga miyembro ng KABAG (Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, ACT at Gabriela) Partylist.



Hindi aniya sinususpinde ng halalan ang pagtupad sa tungkulin ng pamahalaan na protektahan ang bayan at mamamayan nito.

“NTF-ELCAC has been legitimately upholding its mandate of protecting the Republic against the threats posed by the Communist Terrorist Group (CTG),”ang pahayag ni Esperon.

Nagsama-sama silang humarap sa media upang ipakita di lamang ang kanilang pwersa kung di pati ang kanilang inihandang oubter affidavit para sa kaso na inihain ng KABAG.

Si Assistant Solicitor General Angelita Miranda, ng Office of Solicitor General (OSG) at Cluster Head ng Legal Cooperation Cluster (LCC) ng task force ang nagsabi naman na matagal nang kaaway di lamang ng pamahalaan ngunit ng taong bayan ang CPP-NP-NDF.

Pahayag pa ni Miranda na di sila matatakot at tatakbo sa kasong isinampa sa kanila sapagkat alam nilang ibabasura lamang ito



Ipinaliwanag naman ni National Intelligence Coordinating Agency (NICA)
Director General Alex Paul Monteagudo, NTF-ELCAC
Cluster Head sa Situational Awareness and Knowledge Management (SAKM) na Ang kaso laban sa kanila ay pananakot at harassment lamang.

“Harassment ito ng KABAG. Gusto nila na matakot kami at huminto sa pagsasabi ng katotohanan. Ang kanilang niloloko noon ay di na nila maloko ngayon. Ang kaso ay para maipakita rin na malakas pa sila,” paliwanag pa ni Monteagudo.

Dagdag pa niya, ang kanilang paglalahad na ang KABAG at CPP-NPA-NDF ay iisa ay matagal nang ibinunyag ng mga dating rebelde na napasuko na nila at nabigyang muli ng pag-asa na mamuhay ng tahimik. Gaya aniya nang nangyari na kay Alma Gabin isang rebelde at naging nominee pa ng Kabataan Partylist.

“Bakit wala silang (KABAG) ikinaso? Si Alma Gabin dating Kabataan nominee ang nakausap ko na nagsabi si Sara Elago ay CPP-NPA-NDF member. Ang CPP-NPA-NDF at KABAG ay iisa. Ang adhikain ay pabagsakin ang gobyerno at palitan ng komunismo,” ang sabi ni Monteagudo.

Ang iba pang Cluster Heads gaya nila Undersecretary Marlo Iringan na tatlong cluster ang pinamunuan; Deputy Director General Gabriel Luis Quisimbing ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) head ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC); USec Cesar Yano ng Department of National Defense (DND)
Cluster Head, Peace, Law Enforcement and Development Support (PLEDS); USec Reynaldo Mapagu ng DND
Cluster Head, Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) and Amnesty Program Cluster; USec Maximo Carvajal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Co-Cluster Head, Infrastructure and Resource Management (IRM) ay iisa lamang sa paghahayag na ginagawa lamang nila ang kanilang mga tungkulin upang malapit ang kapayapaan na matagal nang ginugulo ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF at patuloy na panlilinlang ng mga KABAG sa ating mga kababayan.

Si USec. Lorraine Marie Badoy ng Presidential Communications Operations Office at taga-pagsalita ng
NTF-ELCAC sa larangan ng New Media at Sectoral Concerns, Cluster Head din ng Strategic Communications (StratCom) ay tinuran lamang ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging mapagbantay sa mga pakay ng KABAG.

“Ang mahuhusga sa bandang huli ay ang ating mga kababayan,” ang sabi ni Badoy patungkol sa hindi pag-boto ng sambayanan g matagal nang niloko ng mga KABAG Partylists upang wakasan na ang limang-dekada ng panggugulo ng CPP-NPA-NDF.