Advertisers
MARAMING katanungan ang mga parokyano ng establishimentong ito kung bakit sa dami-rami ng fast-food sa Imus City, tanging sila lamang ang may mga ganitong klaseng alituntunin o patakaran kapag ikaw ay mag dine-in sa kanila.
Ayon sa manager na si Miss Cathy ng Jollibee Bucandala branch, bawal umano sa kanila ang hindi bakunado na ang edad ay 18 years old pataas, ngunit puwede naman ang may edad 17 years old pababa kahit hindi bakunado basta may kasama itong bakunado.
Naiintindihan po ng mga kostomer ang protocol dahil sa dinaranas nating pandemic, ngunit ang malaking katanungan lamang ay kung bakit mas pinapayagan ang hindi bakunado na 17 years old pababan na mag dine-in indoor kesa sa mga 18 years old pataas?
Sa inilabas kasing guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF), sinasabi nito na kapag ang lugar ay under Alert Level 1 ay wala na umanong mga paghihigpit pa, sa mga kainan gaya ng fast foods, restaurants etc.
“Under Alert Level 1, the IATF said there are no restrictions in terms of indoor and outdoor capacities.
18 years old and above will be required to present proof of full vaccination before participating in mass gatherings or entry into indoor establishments.
*All indoor dine-in services of food preparation establishments such as kiosks, commissaries, restaurants and eateries. For outdoor or al fresco dining and take out channels, no proof of full vaccination is required;
Proof of full vaccination shall be required before entry in the list of establishments identified under the principles of 3C’s strategy against Covid-19.
Children ages 17 and below shall not be required to present proof of vaccination status.”
Kaya labis ang mga katanungan kung saan kumuha ng guidelines ang establishimentong ito, dahil ayon sa isang nakaranas ng panghihingi ng Vaccination Card, ultimo 16 years old ay hinahapan nito bago umorder.
Take note mga dear readers, bago umorder, meaning to say pumila na ng pagkahaba-haba ang parokyano, pagdating sa kahera ay sasabihin sa’yo na hindi ka allowed mag dine-in kung wala kang maipakitang proof o Vaccine Card.
Nang tanungin ang manager na si Miss Cathy sumusunod lamang daw umano sila mula sa guidelines na ibinibigay ng head office nila na base na rin sa IATF guidelines.
Ganun?
Pakibasa nga po ulit mga dear readers, “Proof of full vaccination shall be required before entry in the list of establishments identified under the principles of 3C’s strategy against Covid-19.”
Three C’s meaning ( Close Spaces, Crowded Places, and Close-Contact Settings).
Maliwanag bago pumasok ng establishimento, anyare?
Bakit kung kelan nasa loob at sa mismong kahera na naghanap? Kung meron palang sakit ang papasok malamang naka-spread na ng virus!
Hindi tayo tutol sa pagiging maingat ng Jollibee-Bucandala sa kanilang mga parokyano pero sana sa maayos at tamang pamamaraan.
May mga “glitches” na na-over-looked ang Jollibee Corporation kung totoo nga ang mga sinabi ni Miss Cathy na sa main office guide lines lamang nila ina-adopt ang protocol na kanilang ipinatutupad sa kanilang branch diyan sa Bucandala, Imus, Cavite.
Kahit saan man makarating, tatayuan natin na may mga pagkukulang ang mga staff ng Jollibee-Bucandala na pinamumunuan ni Miss Cathy.
Failure to comply with the correct and proper protocols sa side ng Jollibee-Bucandala, mauobliga tayong ipanawagan sa mga parokyano nito ng i-boycot ang nasabing establisimiyento hanggang hindi o sadyang ayaw isaayos ng fastfood na ito ang kanilang pagkukulang.
Tantamount sa cancelation ng kanilang business permit to operate ang mga ganitong violations or infractions.
More or less aware si Miss Cathy sa ating mga tinuran.
Kailangan pa bang magdulog ng pormal na reklamo ang mga apektadong kostomer sa Imus City Hall?
Covid-19 health protocols ang “in question” dito at ito ay hindi biro o simpleng bagay lamang!
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com