Advertisers

Advertisers

GOD WORKS IN MYSTERIOUS WAYS

0 330

Advertisers

Ngayong araw na ito ng PAGKABUHAY (Easter Sunday), nais nating ibahagi ang isang anggulo ng kaganapan sa pulitika dito sa ating bansa na ating bibigyan ng kakaibang twist at konklusyon sa ending ng ating kolum upang tanungin sa ating mga kababayan kung nararapat nga ba itong mangyari para sa kapakanan nating lahat.

Napuna n’yo po ba dear readers ang naging reaksyon ng mga KAKAMPINK at ng mga leading candidates ng nasabing partido partikular na nina vice presidential aspirant Kiko Pangilinan at senatorial candidate Dick Gordon sa kanilang campaign sorty sa lalawigan ng Tarlac nang mag-volunteer na dumalo sa nasabing rally si Kris Aquino sa kabila ng kanyang matinding dinaraanan sanhi ng kanyang malalang karamdaman?

Kris Aquino literally forced herself to attend that rally sa home province ng mga Cojuangco to help boost the candidacy of VP Leni Robredo who is behind Bongbong Marcos by miles away sa presidential race.



Gusto ni Kris Aquino na magbigay ng impact ang presensiya n’ya upang isulong to the highest level ang kandidatura ng “poor second” na si Robredo.

Pero ang inaasahang “positive end result” ni Kris Aquino ay hindi nangyari.

Halip, panglalait laban sa kanya ang natanggap nito hindi mula sa kampo ng karibal nilang kalaban kundi mismong sa loob ng partidong kanyang nais tulungang manalo.

Nilait-lait sa social media ang naging aksyon ni Kris Aquino sa ibabaw ng nasabing entablado sa Tarlac City ng gabing iyon.

Ang pinakamasakit at di katanggap—tanggap sa mga tapat na kaibigan, taga-suporta ni Kris at ng mga kapatid nito ay ang mga panlalait at ismid na na-captured ng media cameras mula sa pagmumukha nina Kiko Pangilinan at Dick Gordon.



Kulang na lamang na kaladkarin ng dalawang palalong senador ang anak na bunso nina former Senator Ninoy Aquino at former President Cory Aquino.

Para kina Pangilinan at Gordon, Kris Aquino is more of a liability than asset ng mga sandaling iyon sa kanilang personal na interest at sa interes ng partido.

“Walang maitutulong na mabuti sa kanilang kandidatura at sa kampo ng Leni-Kiko team.

Mistulang may ketong na iniiwasan ‘and short of saying’ na pinandidirihan nina Pangilinan at Gordon si Kris during that particular moment na nakunan ng camera.

Makailang beses pang sumenyas si Gordon sa mga organizers ng rally para pababain na sa entablado si Kris.

Hindi po ba napakasakit sa pamilya Aquino ang mga nangyaring ito?

Pero ang hindi alam ng mga Aquinos, matagal nang ibinasura ng oposisyon na kinabibilangan nga nina Robredo ang legasiya na iniwan nina Ninoy, Cory at nitong huli nga ay si Noynoy.

Sabi nga sa isang kasabihan…”you’re as good as your last performance’!

After that, at wala ka na sa limelight,basura ka na at makakalimutan!

Unang hakbang na tila sampal sa mga Aquino ay ang pagpapalit ng kulay DILAW to PINK ng partido ng oposisyon bago pa man ang filing of candidacy ng mga kandidato.

Bagamat ni-retain ng grupo ng oposisyon ang simbolo ng “yellow ribbon” na pamoso at identified sa dakilang senador Ninoy Aquino, ginawa naman itong kulay ROSAS.

Isa itong insulto at sampal sa kadakilaang iniwan nang pinatay na senador.

Pero hindi itong napuna o sadyang hindi pinansin ng mga Aquinos at ni Kris.

Nanatiling bulag ang mga Aquinos sa nangyayaring pagtataksil ng oposisyon sa kanilang pamilya.

After the Tarlac incident kung saan mistulang nababoy si Kris Aquino ng mismong mga inaakala niyang Kakampink at kaalyado, marahil ay naging “wake up call” na ito sa Aquino siblings para sa mas mga makahulugan pang kaganapan na silang magkakapatid ang dapat magkaloob ng “closure once and for all’!

Isang unfinished business na silang magkakapatid lamang ang puwede at eksklusibong puwedeng magsakatuparan.

Ano po ito?

Ang pagpapatawaran ng pamilya Aquinos at Marcoses once and for all na magbibigay ng napakalaking kapakinabangan,kapanatagan at kaligayahan sa ating mga Pilipino.

Ang pagkakasundo ng pamilyang ito na minsan man ay walang umisip o nag-akalang posibleng mangyari!

What if Kris Aquino at the Aquino siblings finally cross paths with BBM and the Marcoses and accept the unification and reconciliation offer na ini-extend ng BBM-Sara Uniteam.

Hindi po ba napakalaking tulong ito sa ating watak-watak na bansa?

Kapag nangyari ito, lalabas ang mga nagkukunwaring maka-Diyos at maka-bayang mga pulitiko na nakakanlong sa pagbabalatkayong sila ay para sa tao.

After all, ipinakita na ng mga Pinklawan na ito ang tunay nilang kulay at pagiging inggrato hindi lamang kay Kris Aquino kundi sa legasiya ng mga magulang nitong sina Ninoy at Cory.

Nakita rin sa nangyari sa Tarlac ang tunay na pagkatao ng mga pulitikong inaakala ni Kris at ng mga Aquinos na kakampi nila sa hirap at ginhawa.

Parang anino lamang ang mga ito na iiwan ka sa ere “the moment you walk into the shades”.

God works in so many mysterious ways!

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com