Advertisers

Advertisers

GUSTO MONG MAIBA ANG BUHAY MO, PAGTIWALAAN NYO AKO: YORME ISKO

0 216

Advertisers

HINDI pinatulan ni presidential aspirant Isko Moreno ng Aksyon Demokratiko ang pakulo at paghimok ng kampo ni Vice President Leni Robredo na iatras ang kanyang kandidatura, ito raw ay upang talunin si dating Sen. Bongbong Marcos Jr.

Mas kagiliw-giliw, mas gusto niya na ipokus ang atensiyon sa paggawa ng mga paraan upang masolusyonan ang mabibigat na problema ng maraming mahihirap na pamilya, pahayag ni Yorme Isko sa media sa kampanya ng Team Isko-Doc Willie sa Pampanga.

“I just want to focus on your problem dahil sa a-kinse, magbabayad ka na naman ng koryente, sa a-trenta, magbabayad ka na naman ng upa. Bukas paggising mo, sana hindi traffic dahil papasada ka para kumita ka, o sasakay ka, kasya ba yung pera mo pambayad sa LRT o pambayad sa dyip. Yun ang problema mo, yon ang pagtutuunan ko ng pansin,” paliwanag ni Yorme Isko.



Mas mabuti na ituloy-tuloy lang ang buhay sa araw-araw, at kung siya ang manalong pangulo sa malapit nang elekyon sa Mayo 9, pangako niya na pananagutin ang mga umabuso at nagkasala sa mamamayang Pilipino.

“…We will make people liable for their mistakes or abuses. But for the meantime, tao muna, kayo muna. I hope they get the message. Kung ako sa kanila, they do the supreme sacrifice also,” sabi ni Moreno na pinatutungkulan na si Robredo ang magsakripisyo na iatras ang pagtakbo sa pagka-pangulo.

Aniya pa, kahit hindi nakuha ang endorserment ng One Cebu, hindi siya titigil, kungdi lalo pang pagbubutihin ang pangangampanya.

Hindi siya sumuko sa mga pagsubok sa buhay: naitawid niya, sabi ni Isko ang buhay niya sa pagiging basurero sa kanyang kabataan, at sa pagsisikap, naiangat niya ang sarili, at matagumpay na tumutulong bilang matapat na lingkod-bayan.

Kung naiangat, naitawid ang sarili sa dugyot na buhay, buo ang tiwala ni Yorme Isko na magagawa rin niya ito sa buhay ng mamamayang Pilipino.



“Kaya malakas ang loob ko na sabihin sa inyo na itatawid ko kayo sa pandemyang ito, sa krisis na kinakaharap natin, kasi ako mismo, lumaban at nanalo ako sa pagsubok ng buhay,” sabi ng 47-anyos na kandidato ng Aksyon Demokratiko.

Inspirasyon niya, sabi pa ni Yorme Isko, ang matatag na paglaban ng tao upang maitaguyod ang buhay, kahit hirap na hirap na.

“Bagamat puro tibo ang inaapakan ng taong bayan pero sige lang nang sige, laban lang nang laban sa buhay,” sabi niya.

Iniaalok ni Yorme Isko ang sarili niya bilang isang solusyon upang mabago ang buhay ng pamilyang Pilipino.

Aniya: “Ako, sanay ako sa wala, e ang tanong ko lang sa iyo, sanay ka ba na sa nangyayari sa iyo ngayon? Sanay ka ba na kung ano ka ngayon, ay ganun ka pa rin bukas? Kung gusto mong maiba naman, available ako,” sabi ni Yorme Isko.

Sa harap ng nagkakatipong tao, inisa-isa ni Yorme Isko ang “resibong” ginawa niya sa Maynila – kaya-sa-bulsang-pabahay, modernong ospital, de kalidad na edukasyon, tuloy-tuloy na ayuda sa pandemya, trabaho, mabilis na aksyon at serbisyo na magpapagaan sa buhay ng ordinaryong pamilyang Pilipino.

“Gusto nyong maiba ang buhay nyo, eto ako, pagtiwalaan nyo,” sabi ni Yorme Isko. (BP)