Advertisers

Advertisers

Andrea permanente nang kapareha ni Lloydie sa sitcom

0 169

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMI ang kinilig at natuwa nang finally ay napanood na rin ng masa ang much awaited na pagsasama nina John Lloyd Cruz at Andrea Torres sa top rating comedy show ni Lloydie sa Kapuso Network, ang “Happy ToGetHer”. Noong una ay teaser lang si Andrea sa pagtatapos ng isang episode ng naturang show, at nitong nakaraang linggo ay ipinakita na ang pagsasama ng dalawa sa TV screen. Sa halos one season na tinakbo ng show ni John Lloyd ay wala siyang naging regular na leading lady, naging guests niya sina Bianca Umali, Julie Anne San Jose, Jasmine Curtis-Smith at iba pang Kapuso leading ladies, pero sa pagpasok ni Andrea, may tsikang, ang Kapuso sexy actress na umano ang magiging regular na leading lady ni John Lloyd.
Kung matatandaan, una na nga pumutok ang comedy show na ito na pagsasamahan nina Lloydie at Andrea noong mga panahon na balak na pagbabalik-showbiz ng aktor at magiging producer nila ay si Willie Revillame. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nag-back-out si Willie bilang producer at nag-iba na ang ihip ng hangin, ang GMA 7 at ang CAM management agency na namamahala sa karir ni John Lloyd, na ang nag-produce.
***
BAGUHANG PRODYU PATULOY SA PAGHAKOT NG INTERNATIONAL AWARDS
TILA non-stop na pagpupugay at pagkilala internatioanlly sa isang pelikulang pinrodyus ni Teresita Tolentino Pambuan ng TTP Movie Production, ang “Minsa’y Isang Alitaptap” na may international title na “Once A Firefly” na pinagbibidahan nina Gina Pareno at Teresa Loyzaga, at sa direksyon ni Romm Burlat ng Rommantic Entertainment Production.
Higit 51 recognitons awards lang naman to date ang nakopo ng naturang pelikula na patuloy pa rin iniimbitahan ng ibang international film festival na makilahok sa kanilang filmfest.
“To God be the glory,” say ng mabait at magandang prodyu.
Hindi naman kasi inaakala ni Teresita na ang lakas loob na pagproprodyus niya ng isang movie sa gitna ng pandemya ay mag-uuwi ng maraming parangal.
Ang latest na film festival na nagbigay halos ng clean sweep awards sa “Minsa’y Isang Alitaptap” ay ang White Pearl International Film Festival in New Delhi, India. 12 awards ang napanalunan ng movie, ang mga ito ay ang Best International Film, Best Drama Film, Best Trailer Best Actress- Gina Pareño, Best Actress- Teresa Loyzaga, Best Actor- Ron Macapagal, Best Director- Romm Burlat, Best Editor- Marvin C. Gabas, Best Producer- Teresita Tolentino Pambuan, Best Single Performance Male- Lito Capina, st Single Performance Female- Leonora Carinaga, at Best Child Performer- Hasna Wahood.