Advertisers

Advertisers

Angel dedma sa body shamers basta maganda sa paningin ng mister

0 239

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SINULIT ni Angel Locsin habang holidays pa na nag-rest time silang couple sa isang beach resort.
Ibinahagi ni Angel ang kanyang larawan na nakaupo lang sa dalampasigan sa kanyang IG.
Nakasuot ng crisscross na swimsuit si Angel this summer season.
Maraming napa-wow na mga netizen at mga kaibigan nito sa showbiz.
Isa sa pumukaw na komento na napansin ng netizens.
“Nakaupo ka pa lang nyan pero ang lakas ng dating.”
Sinang-ayunan naman ng netizens ang nasabing komento at dinagdagan pa nila ng salitang ‘Queen’.
Sa panayam naman kay Angel kung tuloy ang kanyang fitness journey para sa pagbabawas ng timbang.
This time naman kasi ‘di pa mapagtuunan ng pansin ni Angel ang mag-work out dahil super busy ito.
At dedma naman siya sa mga body shamer na umookray sa kanyang katawan.
As long as maganda raw siya sa paningin ng mister na si Niel Arce okay na nga raw ‘yun.
Ayaw na nga pansinin pa ang aktres ang mga basher at ‘di naman malaking kabawasan sa pagkatao niya ang bigat ng kanyang katawan.
Ang mahalaga daw ay marami na siyang napatunayan sa sarili.
***
CWIC ilulunsad ang MODERN DAY SPARTAN 300 para tanghalin na King and Queen
Chels Wellness International Corporation or CWIC ni Dr. Chels ay ilulunsad sa Aberdeen Court sa QC this day ay tatanghalin na Modern Day Spartan 300.
Sila ay gagawaran ng parangal bilang King at Queen.
Nagsimula na ang CWIC na magbigay ng pa premyo sa members ng nasabing networking company.
Itong Modern Day Spartan 300 na gagawaran ng parangal mula sa CWIC ay magbibigay ng big prizes today.
As in isa lang namang sasakyan ang ipapa- premyo ng kumpanya ni Dr. Chels.
Yes, isang Toyota Vios ang ibibigay na premyo sa magaganap na event na Modern Day Spartan 300.
Ang Chels Wellness International Corporation ay isang kumpanya na nagbibigay ng very healthful na food na puwedeng inegosyo or gawing ulam sa pang araw-araw.
Tuna business, ito ang CWIC na pagkain na para sa puso at negosyo para sa tao.
Ilan sa mga CWIC products ay ang Tuna sisig, embutido, longganisa, siomai, lumpiang shanghai, tuna ball, fish fingers, fish nuggets at iba pa na tulad ng hands sanitizer, septillion alkaline water concentrate, etc.
Ang mga nabanggit na products ay puwedeng mapasayo lahat with bag kung mag start ka magnegosyo sa halagang 10K.
Kagandahan pa rito ay di ka lang member kungdi isa ka na ring stockholder, o gusto nyo ‘yun.
Attend kayo daily ng kanilang seminar sa Cornluck Bldg. at Scout Borromeo, QC. para malaman paano pagkakitaan ang Tuna business ng CWIC at maging stockholder.
Congrats sa Spartan 300! Well, well, well… ‘Yun na!