Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SINA Azi Acosta, Sahil Khan, at Ayanna Misola ay tatlo sa alaga ng kilalang talent manager na si Jojo Veloso.
Isa si Ayanna sa humahataw ngayon ang career sa Vivamax dahil sunud-sunod ang project ngayon ng morenang sexy star. Si Sahil naman, kahit newcomer pa lang ay maganda ang itinatakbo ng showbiz career.
Si Azi ay magsisimula na ring magsabog ng alindog sa Vivamax, very soon. Ang 19 year old na hottie ay susunod sa yapak ng mga sister niya sa kuwadra ni Jojo na sina AJ Raval, Angeli Khang, at Ayanna na itinuturing na mga Dyosa ng hotness sa Vivamax.
Si Azi ay member din ng The Fabulous Girlfriends ni Jojo Veloso, pero inabot ito ng pandemic, kaya hindi na nai-launch.
Ano ang reaction niya na kahawig siya ni Alice Dixson?
Nakangiting tugon ni Azi, “Siyempre po ay nakakatuwa, kasi po ay idol ko si Alice Dixson.”
Si Azi ay pumirma ng 10 picture contract for five years sa Viva, ano ang feeling niya na isa na siyang Viva artist?
“Sobra pong excited ako, na na-overwhelm… kasi ay maraming ibang tao na hindi nabibigyan ng opportunity, tapos dumating po ito. So hayun, siyempre nasa harap ko na po ang opportunity, kaya i-grab ko na po.”
Sino ang gusto niyang makatrabaho sa Vivamax?
Tugon niya, “Ang gusto ko po na maka-work sa Vivamax ay sina Ate AJ, iyong mga sister ko rin po.
“Sa mga actor naman po, iyong mga brother ko rin po ang gusto kong maka-work sa Vivamax po, wala pa po kasi akong masyadong kilala.”
Game ba siyang sumabak sa matinding pagpapa-sexy?
Nakangiting wika niya, “Yes, I am po, game naman akong magpa-sexy, basta po iyong hindi lalagpas sa limit ko. Like, siyempre iyong bawal hawakan at iyong hindi po ilalabas ang dila, hahahaha! Although okay lang naman po if accident lang.”
Kung nasa script naman iyon, papayag ba siya? “Siguro po ay itatanong ko muna kay Tito Jojo, kung papayag po siya,” matipid na tugon pa ng hot na hot na dalaga.
Ano ang kaya niyang ipakita? “Ang kaya ko pong ipakita ay iyong aking upper body, kaya ko rin pong magpakita ng butt,” pakli pa ni Iza.
“Frontal po?” Ulit niya sa aming tanong. “Iyong sa taas po ay okay lang, pero yung sa bandang ibaba po, hindi po, hindi po hahaha!”