Advertisers
PARATING na ang prized catch ng Wrestling Association of the Philippines na pambato para sa darating na 31th Southeast Asian Games -Hanoi, Vietnam na hahataw sa susunod na buwan ng Mayo.
Si Filipino-American heavyweight Luke Cruz ay inaasahang nasa bansa na anumang araw sa linggong kasalukuyan upang samahan ang iba pang miyembro ng Philippine wrestling team na nage-eensayo sa Inspire Sport Academy sa Calamba, Laguna at ima-maximine ang kanilang training bago tumulak patungong Vietnam SEAGames na nakatakda sa Mayo 12 hanggang 23,2022.
Si Cruz ay namalagi sa Estados Unidos upang doon mag-ensayo dahil naroon ang mga iba pang wrestling heavyweights angkop sa kanyang pagpapakundisyon para sa mga makakalabang Vietnamese, Thailanders at Cambodians.
“Luke is a heavyweight. We don’t have a heavyweight here so staying there in the US is better. He can train with other big guys so he’ll be better prepared for the SEAG”, optimistikong pahayag ni wrestling Association of the Philipines (WAP) president Alvin Aguilar. “Kaya nga sabi ko sa kanya, just go here when its time for the SEAGames kasi baka mabitin pa siya ng training, You’ll never know na baka may bagong variant uli na lumabas, titigil na naman ng training and everything”, dagdag pa ni Aguilar na founder din ng URCC-MMA.
“ Pero at least mga two weeks in advance before the SEAGames, nandito na siya just to make sure na maaayos ang jet lag niya, So doon na talaga ang training sa US, And then he just comes here at the proper time”,
Si Cruz ayon kay Aguilar ay isa sa miyembro ng 11- member national team na kakatawan sa bansa.
Ang mga pambatong Pinoy wrestlers ay nakapagbuno ng 2 golds-11 silvers at 1 bronze noong nakaraang 30th SEAGames Philippines 2019.