Advertisers

Advertisers

Piolo lumantad para kay Leni

0 164

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

INANUNSYO ng award-winning na aktor na si Piolo Pascual ang kanyang buong suporta para sa kandidatura ni Vice President Leni Robredo, na tinawag niya na tunay na mukha ng pagkakaisa o unity, at ang natatanging kandidato na makakapagbuklod sa ating bansa.
Sa isang video message, sinabi ni Piolo na si VP Leni lamang ang tanging kandidato na nakapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino na magsama-sama at magtulungan para sa ikabubuti ng lahat, at ang tanging nagbigay pag-asa para sa mas magandang bukas ng Pilipinas.
 Ang totoong pagkakaisa ay isang pangako na walang maiiwan, lahat tayo magkakasabay na humahakbang para sa pangarap na lipunan, ani Piolo.
 At ang totoong pagkakaisa ay inspirasyon at panawagan na tayong lahat ay gumawa ng kabutihan, dagdag pa niya, binigyang diin niya na ang mga Pilipino ay magiging buo ang suporta sa ganitong klase ng pagkakaisa.
Dagdag pa ni Piolo na ang tunay na pagkakaisa ng taumbayan ay makakamit lamang sa ilalim ng bukas, tapat, at mahusay na pamamahala na mabibigay lamang ni VP Leni.
 Si Leni Robredo lang ang tanging iboboto kong pangulo ngayong eleksyon, dagdag niya.
Diniin din ni Piolo na binigyang inispirasyon din ni Robredo ang Pilipino na magbayanihan lalo na noong panahon ng pandemya.
 Parang nung simula ng pandemya at nagkakanda-ubusan ng PPE sets para sa ating mga frontliners, mga nagkakaisang Pilipino ang nag-ambagan para mabilis na maaksyunan ang kakulangan,sabi ni Piolo.
Ang ganitong klase ng pagkakaisa ang nagbibigay lakas sa mga Pilipino para ipahayag ang kanilang suporta sa kandidatura ni VP Leni; na marami pa nga ay naglalaan ng sariling pera at oras o mga abonado para dumalo sa mga grand rallies at nagsagawa ng iba’t ibang aktibadad para sa kampanya ng bise presidente.
Kamakailan, humigit 220,000 na tagasuporta at volunteers ni VP Leni ang nagtipon-tipon sa San Fernando Pampanga, na tinatayang pinakamaraming attendees nang magsimula ang kampanya.
Nakapokus ang Oplan Angat Agad ni VP Leni sa trabaho, kalusugan, at edukasyon.
Nais ni VP Leni na masigurado na bawat pamilyang Pilipino ay may miyembrong nagtratrabaho at sumasahod.