Advertisers

Advertisers

RAFFY TULFO PINAPATANGGAL NG PAO SA COMELEC

0 2,439

Advertisers

MATINDI pala ang epekto sa negatibong litanya ni BROADCAST JOURNALIST RAFAEL “RAFFY” TULFO dahil inalmahan ito ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) kasunod ang panawagan nitong nasabing ahensiya na i-disqualify ng COMMISSION ON ELECTIONS (COMELEC) sa SENATORIAL CANDIDACY ang naturang TV PERSONALITY.

Naihayag ni PAO’s FORENSICS DIVISION CHIEF DR. ERWIN ERFE na misrepresentation umano ang ginawang CERTIFICATE OF CANDIDACY (COC) ni TULFO sa pagkandidato para maging SENATOR.., na aniya ay CONVICTED BY FINAL JUDGMENT FOR LIBEL ng MAKATI REGIONAL TRIAL COURT si TULFO noong taong 2019 na inafirm din ng SUPREME COURT ang nasabing hatol.

“Thus, his representation that he was eligible for elective public office constitutes false material representation as to his qualification or eligibility for the office,” saad ni DR. ERFE kasunod ang panawagan nito sa COMELEC na kanselahin ang COC ni TULFO dahil sa convicted ito sa kasong libelo.



Base sa COURT RECORD, si TULFO at mga kasamahan nito ay nag-apela sa kanilang libel conviction na ikinaso sa kanila ng isang MICHAEL GUY.

Ang kaso ay umabot sa SUPREME COURT na ang hatol ay pagmumulta ng P1.7 milyon para sa moral and exemplary damaged gayundin ang attorney’s fees.

Bunsod nito ay naipunto ni DR. ERFE na malinaw aniya ang isinasaad ng SECTION 12 ng OMNIBUS ELECTION CODE na ang individual convicted sa.kasong krimen na kinapapalooban ng moral torpitude ay hindi maaaring kumandidato para sa public office.

“A sentence by final judgment for a crime involving moral turpitude is a ground for disqualification under Section 12 of the Omnibus Election Code,” saad ni DR. ERFE.

Naihalimbawa nito ang kasong kinaharap ni dating CONGRESSMAN PROSPERO PICHAY JR. sa TY-DELGADO vs. HRET (HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL).., na aniya, dahil naconvict sa kasong.LIBEL si PICHAY ay nadisqualify ito sa ilalim ng Section 12 of the Omnibus Election Code (OEC).



“Tulfo has material representation in his CoC. Considering his ineligibility due to his disqualification under Section 12 for his libel conviction which became final in 2019, he made false material representation as to his eligibility when he filed his certificate of candidacy,” pahayag ni DR. ERFE at iginiit nito na si TULFO ay lumabag sa .Section 74 of OEC.

Mga ka-ARYA.., tila magiging abala ang mga taga-depensa ni TULFO.., kasi nga, minsan sa isang tv interview ay nalitanya nito na ang mga abogado ng PAO ay madalas absent sa mga custodial investigation at inquest proceedings.., hayun nanggalaite tuloy ang halos buong chapters ng INTEGRATED BAR OF THE PHILIPPINES at ng VOLUNTEERS AGAINST CRIME.AND CORRUPTIONS dahil ginagamit ni TULFO ang pag-aakusa sa mga abogado ng PAO para lamang mapabilib ang mga botante sa ginagawa nitong pangangampanya bilang SENATORIAL CANDIDATE.

Sa pangunguna naman ni PAO CHIEF ATTY. PERSIDA RUEDA-ACOSTA ay kinastigo si TULFO na kailangan nitong mag-public apology.

“The entire employees and officials of PAO are demanding a genuine and public apology from Mr. T for his hasty generalization about the performance of our public lawyers whom he claimed have been remiss in attending inquest proceedings, among others,” pagpupunto ni ATTY. ACOSTA.

Sa ilang naglabasang panayam ng ilang.MEDIA sa panig ni TULFO ay naihayag.ng mga abogado nito na ang mga isinumite ni TULFO sa kaniyang COC ay truthfully, honestly and to the best of his personal knowledge.., at kuwalipikado ito sa kaniyang kandidatura.

Eto ang isang magandang masubaybayan.mga ka-ARYA.., kung malulusutan ba ni TULFO ang magiging COMELEC HEARINGS hinggil sa inihaing disqualification laban sa kaniyang kandidatura.., ika nga, ang kapalaran ni TULFO ay nakasalalay ngayon sa pagpapasya ng COMELEC!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.