Advertisers

Advertisers

AJ napaiyak sa love scene kay Diego

0 242

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

ISA nga si AJ Raval na bagito sa larangan ng paseksihan na sumabak sa matitinding love scene.
Siya nga kaya ang kinukuda ni Cindy Miranda na umiyak nang todo sa love scene nila ni Diego Loyzaga?
As in, shocking si AJ sa role na ginampanan sa latest project nito.
Kahit naman daw sino na baguhan lang sa ganon na eksena ay maiiyak talaga ayon sa sitsitera.
Sa kabila na kinabahan at umiyak sa maselang eksena si AJ with Diego, hindi ito makapaniwala na natapos at nabigyan niya ng justification ang kanyang role.
Never ikinaila ni AJ na truelili na napahagulgol ito, akala nga ng production ay may kung anong nangyari sa rumored gf ni Aljur Abrenica.
Sa pag-iyak ni AJ after makunan ang love scene ay kinomfort siya ng direktor at ng leading man na si Diego.
Matapos magawa ang love scene at nairaos naman ni AJ ay ready at fight na ulit ito para sa other projects.
Sa next project nga raw nito kapag may love scene ay never na ito iiyak at handa na siya na lumaban nang sabayan.
Samantala, dahil sa performance level at hataw to the max mag-show ang anak ni Gary V. na si Gab Valenciano last VP Leni Kiko rally, napunitan siya ng suot na pantalon sa hita kaya to the rescue si Pokwang at tinahi ang napunit na pantalon. Pinuri naman si Pokwang sa pagiging ala-nanay kay Gab.
***
APPLE FAITH IPAKIKITA ANG BEST SA GAGAWIN NA FILM
DATI na naman na naka-attend ng workshop si Apple Faith kung aktingan ang usapan.
Fast learner si Apple Faith kaya naman mabilis niya nakuha kung paano mag-internalize para sa role or character na gagampanan.
Kumbaga ‘di na mangangapa si Apple Faith kung gigiling na ang kamera ng MMA Film Prod.
Kasado na kasi ang film na gagawin ni Apple Faith bukod sa mayroon ng scriptwriter ay may direktor na rin.
Kaya any moment ay mag-start na gumiling ang kamera para sa film na Tanging Hiling.
Magagamit daw ni Apple Faith ang acting workshop na kanyang sinalihan dati.
May acting workshop na ang ‘Tanging Hiling’ na anak ni Mommy Margie ng MMA Production na si Mara Aragon ang magiging bida.
Well, well, well…’Yun na!