Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PATULOY na bina-bash si Gab Valenciano dahil sa pagsuporta niya sa tandem nina VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan, na tumatakbo bilang presidente at bise-presidente respectively sa darating na halalan sa bansa.
Pero hindi na nakapagpigil ang anak ni Gary Valenciano at pinatulan ang isa niyang basher.
Ibinahagi ng binata ang screenshot ng reply sa kanya ng basher sa kanyang Twitter account.
“Ano pa inaantay mo brod kung makapuna ka kay tatay digs wagas… pakamatay ka na… di na kaya ng depression mo eh,” sabi ng basher kay Gab.
Sagot naman ng binata, “this is a reflection of society today. Kung sino ka man, God bless you. Trying to insult me means you are triggering millions of Filipinos struggling to make ends meet. Shame on you.”
Sey pa ni Gab, hindi kailanman mangyayari ang gusto ng basher na magpakamatay siya dahil mayroon siyang maayos na support system na nagmamahal sa kanya.
***
KUNG ang kanyang inang si Karla Estrada ay si Bongbong Marcos ang sinusuportahan sa mga presidential aspirant, si Daniel Padilla naman ay si VP Leni Robredo ang sinusuportahan.
In fact, nitong April 16, Sabado, kumalat sa social media ang kanyang mga larawan habang kasama ng grupo ng mga artists at Leni supporters na nagpipinta ng mural nina VP Leni at ni Sen. Kiko sa isang subdivision sa Fairview, Quezon City.
Matatandaang unang isinapubliko ni Daniel noong March 9 kung sino ang kanyang bet sa May 9 national elections nang magpa-picture siya sa tabi ng isang campaign poster ni VP Leni.
Noong 2016, si VP Leni rin ang sinuportahan ni Daniel nang tumakbo itong Vice President at manalo.
Magkaiba man ng presidenteng sinusuportahan, wala namang problema sa mag-inang Karla at Daniel. Nirerespeto nila ang pananaw ng bawat isa sa pagpili ng iboboto.