Advertisers

Advertisers

Hindi kinakagat ang Philippine Arena

0 481

Advertisers

MATINDING parusa ang inabot ng sambayanan noong Semana Santa. Hindi nakagalaw ang maraming mamamayan. Itinigil ang operasyon ng MRT-2 sa kahabaan ng EDSA upang makumpuni ang mga nasirang track. Walang masakyan ang mga tao sa paroon at parito sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga lalawigan. Patuloy na nawala ang mga bus pamprobinsya.

Libu-libong mamamayan ang hindi nakauwi sa kanilang lalawigan. Bagaman gumaan ang sitwasyon hinggil sa pandemya, hindi naglabasan ang mga bus pamprobinsya. Hindi biro na ikundisyon at patakbuhin ang mga bus pamprobinsya na natengga sa kani-kanilang garahe sa loob ng dalawang taon ng pandemya. Pinayagan ang mga bus pamprobinsya na lumabas at pumasada ngunit nanatili ang utos na humimpil sa sentralisadong terminal sa tabi ng Philippine Arena sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan.

Binabatikos si Arturo Tugade sa utos na ito. Wala sa katwiran na obligahin ang mga pasahero na bumiyahe ng 30 kilometro upang sumakay na anumang bus patungo sa kanilang lalawigan sa Hilaga. Wala sa katwiran na ibaba ang mga pasahero sa Bocaue upang sumakay ng panibagong bus papunta sa kanilang destinasyon sa Metro Manila. Hindi pinag-isipan ang ganitong public policy. Ginawa umani ni Tugade ito upang patayin ang industriya ng bus.



Ngunit lumalabas na hindi si Tugade ang may gusto nito. Ayun sa kanya, hindi siya ang maysala at nagpataw ng ganitong requirement. Kagustuhan ito ni Rodrigo Duterte na taga Davao City at walang nalalaman kung ano talaga ang sitwasyon ng Metro Manila. Hiningi ito ng pamunuan ng Iglesia Cristo kay Duterte na sa Philippine Arena ilagay ang terminal sa Norte at kaagad na nagpaunlak si Duterte upang mapasaya ang INC.

Sa totoo lang, patay na lugar ang Philippine Arena na pag-aari ng INC. Halos walang negosyo. Halos walang aktibidad maliban sa mga jeep at tricycle na bumibiyahe doon at mga maliit ng sari-sari store at carinderia. Hindi pumupunta sa terminal ng INC ang mga bus pamprobinsya dahil malaking abala sa kanilang pasahero. Hindi sila sasakyan doon. Malinaw na ayaw ng mga pasahero na pumunta doon upang makauwi lang sa kanilang lalawigan sa Norte. Malaking abala sa kanila ang ganitong proseso.

Hindi ito alam ni Duterte. Limitado ang kaalaman ni Duterte at tanging Davao City ang kanyang alam. Hindi matiyaga si Duterte na kumunsulta sa mga nakakaalam. Sa maikli, hindi national official si Duterte. Pamprobinsya lang siya. Kontrabida sa maayos na pamumuno si Duterte. Malinaw na nagsabwatan sila ni Tugade at mga lider ng INC upang pagkaitan ng serbisyo ang mga mamamayan at patayin ang industriya ng bus upang pagbigyan ang INC.

Sa kasalukuyang sitwasyon, marapat na lumabas ang kampo ni Leni Robredo at Kiko Pangilinan ng kanilang paninindigan kung paano bubuhayin ang industriya ng bus sa ilalim ng kanilang administrasyon. Hindi tama na umasa tayo sa mga colorum na sasakyan na pag-aari ng mga local official na kaalyado nina Duterte at BBM. Hindi dapat na ipilit ng INC ang kanilang gusto kahit alam nila na patay na lugar ang Philippine Arena. Hindi basta ito mabubuhay.

***



HINDI nagustuhan ng mga taipan, o mga pangunahing negosyante na Filipino ang ibinalita sa na pagpiga sa kanila ng kampo ni BBM upang sumuka ng hindi bababa sa P2 bilyon sa huling sigwa ng kampanya. Nais ng kampo ni BBM sa nasa kamay nila ang halaga bago dumating ang katapusan ng Abril. Kailangan umano ang halaga upang ibigay sa network ng mga local official na magdadala sa tiket BBM-Sara bago ang halalan ng Mayo 9.

May himig pananakot ang bitaw ng salita ng kampo ni BBM sa mga taipan na hindi magiging maganda ang kani-kanilang sitwasyon kung hindi sila magbibigay at sakaling manalo si BBM. “Kapag hindi kayo nagbigay, kayo rin,” banta ng mga Marcos sa kanila. Hindi nakasagot ang mga taipan sa banta sapagkat pawang malalaki ang kani-kanilang negosyo. May bahid ng takot ang kanilang pakikipagtalastasan sa kampo ni BBM sapagkat umiikot lamang sa pera ang paksa. Walang malinaw na programa na ibinababa ang mga Marcos.

Palasak ang paniniwala na may budget sa mga kandidato ang mga pangunahing negosyante sa bansa. Ikinakalat nila ang grasya sa mga kandidato. Batay sa lakas ng isang kandidato ang halaga na ibibigay sa kanya. Proteksyon ng mga taipan sa kanilang sarili ang ganoong sistema. Kahit sino ang manalo, hindi sila mawawala sa eksena. Nais ng mga taipan na magnegosyo ng maayos. Lehitimo ang aktibidad at hindi nila nais na makialam sa kanila ang gobyerno.

Sa himig ng salaysay na nakausap namin, may matinding pressure si BBM na lakihan ang ibibigay ng mga pangunahing negosyante sa bansa. Kailangan ang malaking halaga upang kumilos ang network ng mga gobernador, alkalde at iba opisyal ng mga local government unit (LGU). Kapag hindi nagbigay ng malaking halaga si BBM, malamang na hindi kikilos o aandar ang network na binuo at malamang ilampaso sila ng pwersa ni Leni Robredo na kasalukuyang nagmistulang daluyong sa paglakas. Malaki ang takot ng kampo ni BBM sa lakas ni Leni.

***

BUMALANDRA sa mukha ng tatlong kandidato na pinungunguhan ni Isko Domagozo ang kanilang pulong balitaan (presscon) noong Linggo. Pinagtawanan. Nilibak. Kinutya. Tinuya. Hindi bumilib ang pwersang demokratiko ng bansa sa katwiran ng kanilang pagharap sa publiko upang ngumalngal at ireklamo ang kawalan ng pag-asa ng kani-kanilang kandidatura.

Akala nila pupuntos sila kung sama-samang dudulog sa bayan ang kanilang daing na kinukuha kampo ni Leni ang kanilang tagapagtaguyod. Totoong napunta kay Leni ang kanilang supporter na bumaligtad. Ngunit hindi totoo na kinukuha ni Leni. Ang totoo ay desisyon ng kanilang mga dating supporter na tumalikod sa kanila at sumama kay Leni. Walang raid na ginawa si Leni. Hindi sila pinilit ang mga tagasunod. May malayang pag-iisip ang mga dating supporter. Hindi tinutukan ng .45 ang mga dating tagasunod ni Isko at Ping

***

MGA PILING SALITA: “The Pink Army is composed of Real People, who love the country, and ready to fight for Democracy while the Red Army of BBM/Sarah has only keyboard warriors (trolls, in other words, controlled by puppet masters) and hakot crowds.” – Aktibista

“Anong prescon iyan? Opinyon ko lang, ayaw lang nilang magkaroon ng babaeng Presidente. Ano ang magagawa ninyo, mas magaling iyong babae sa inyo!” – Mel Sta Maria, netizen at dekano ng FEU College of Law

“Just my observation as a veteran reporter who has covered 5 presidential elections. Today’s presscon was a big mistake for them. They came out whiney and they ganged up on a woman who wasn’t even there. I wonder whose brilliant idea it was.” – Raissa Robles, netizen, journalist

“Siguro naman they had cheese with all that whine, ano?” – Abi Valte, netizen

“I don’t think that the presscon hurt VP Leni in anyway. I think it’s the other way around. ” – Emil Maranon III, netizen

“Dear Isko, we nursery school teachers are very happy that you can now name two colors. Your next lesson is to learn more colors. Then you can move on to shapes.” – Sylvia Claudio, netizen

“Ang logic ni Gonzales, ayaw daw ng taumbayan sa No. 2, kaya dapat daw i-consider ang #3, 4, or 5 para ilaban sa No. 1? Anong klaseng lohika ‘yan?” – Jerry B. Gracio, netizen