Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
MARAMING ibinunyag ang actor at senatoriable na si Robin Padilla nang makapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog.
Noon daw talagang kasagsagan ng kasikatan niya ay may kayabangan siya.
Katunayan, ang kayabangan daw niyang ito ang nagpahamak sa kanya.
Noon din daw iyong mga panahong nasangkot siya sa kaso ng illegal possession of firearms na naging dahilan para mapiit siya sa kulungan.
Dahil sa katigasan ng kanyang ulo, nag-try daw siyang i-evade ang authorities at namundok kasama ang mga NPA.
Sa pagbabalik-tanaw, ang kanya pa nga raw first wife ang kumausap sa kanya para magbago ng pag-iisip at sumuko sa awtoridad.
Umamin din siyang nagkaroon ng matinding problema ang kanilang relasyon ng unang asawang si Liezl Sicangco.
Na-depress daw siya noon nang hiwalayan siya ng first wife dahil hindi talaga siya handa.
Naisip nga raw niya noon na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbabaril pero may parang milagrong nangyari raw noon.
Ang kanya raw aso ang parang umako ng kanyang mga pasanin dahil nagbigti raw ito at natagpuang patay kinabukasan.
Noon naman daw napiit siya sa Bilibid, natakot daw siya dahil mga convict ang kanyang makakasama.
Naalala pa niya, tatlong pantalon daw lagi ang suot niya noon dahil takot siyang baka i-reyp o madonselya siya ng mga bilanggo sa preso.
Kinabahan pa nga raw siya noon nang minsang ipatawag siya ng kanilang bruskong “mayor” sa piitan at paluhurin.
Akala raw niya ay madodonselya na siya pero nagkamali raw siya ng sapantaha.
Pinag-pray over daw siya nito sampu ng kanyang mga kasamahan.
Ang kanya raw pagkakabilanggo ang maituturing niyang wake up call para tumino at maging malapit sa Diyos.
Years later, isa raw namang sultan ang nanuyo sa kanya para yakapin ang relihiyong Muslim and the rest is history.