Advertisers
Si Joey Venancio ay on-leave. Siya’y kandidato sa pagka-kongresista sa kanilang lalawigan, Romblon. Ang kolum na nababasa n‘yo ngayon ay gawa ng kanyang editor.
KATAKOT-TAKOT na batikos ang inabot nitong tatlong kulelat na presidential aspirants nang magpa-press conference ang mga ito, nanawagan sa number 2 rival na magwidro na kung ito raw ay may pagmamahal sa bansa. Ngek!
Ngayon lang nangyari na ang number 2 sa mga survey ang pinapaatras ng mga nasa malayong ibaba sa halip na ang number 1 ang tirahin. Para ngang panahon ngayon na nagkaroon ng bagyo ang Semana Santa, naging maulan ang summer. Nakagugulat ano po?
Ang tinutukoy ko rito ay ang tatlong presidential aspirants na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Ping Lacson at dating National Security Adviser ni ex-President Gloria Macapagal-Arroyo na si Norberto Gonzales.
Mantakin ninyo, rapapips, nagpa-press conference ang tatlo para lang banatan ang pumapangalawa sa mga survey sa pagka-pangulo na si Vice President Leni Robredo. Pinagwiwidro nila si Robredo kung mahal pa raw nito ang Pilipinas. Ngek!
Si Robredo na nakuha na ang momentum sa kanyang kandidatura, umakyat sa pangalawa mula sa mababang ratings, ay mabilis nang humahabol sa nangungunang si Bongbong Marcos Jr..
Sa latest survey ng Pulse Asia, umakyat pa ng 9 puntos si Robredo. Nasa 30% plus na ang kanyang rating habang si Marcos Jr ay nasa 51% plus nalang. Mayroon pang tatlong linggo sa pangangampanya ang mga ito bago ang halala sa Mayo 9.
Samantalang sina Isko at Lacson ay hindi gumagalaw ang rating ng mga ito sa single digit lalo na si Gonzales na halos wala nang bilang.
Sina presidentiables Senador Manny Pacquiao at labor leader Leody de Guzman ay hindi sumama sa naturang press conference na ginanap sa Manila Peninsula nitong Linggo.
Sabi ng political analysts, isang malaking pagkakamali ang ginawa nina Isko, Lacson at Gonzales na pagwidrohin si Robredo sa halip na si Marcos na siyang nangunguna sa surveys.
Ang ginawa ng tatlo ay lalo lamang magpapalakas sa kandidatura ni Robredo. Dahil ugali na ng mga Pinoy na ang kinukutya ay siyang kinakampihan ng nakararami. Mismo!
Ito nga ang nangyayari ngayon kina Isko, Ping at Gonzales, binabanatan sila ng netizens sa social media. Ang ibang undecided ay nagsabing si Leni na ang kanilang iboboto. Boom!!!
Si Isko ay malayong pumapangatlo sa survey. Maraming grupo ng supporters niya ang lumipat na sa kampo ni Robredo.
Gayundin si Ping, nasa malayong pang-apat ito. Maraming kaalyado at grupo ng supporters niya ang lumipat narin kay Robredo.
Lalo itong si Gonzales, nasa 1 percent lang ang rating niya sa mga survey. Ibig sabihin wala na talaga itong kapana-panalo. Makabubuti sa kanya na magwidro nalang at sumama sa winnable presidentiable at baka sakaling mabigyan pa siya ng political accomodation kung mananalo ang susuportahan niya. Mismo!