Advertisers

Advertisers

Solenn hirap umiyak kaya ayaw ng drama scenes; Marian at Dingdong, nagprodyus ng sitcom

0 238

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

HALOS isang dekada na rin naman na hindi nagsama ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa isang project na sila ang bida. Huling seryeng nagawa nila ay ang “My Beloved” last 2012 pa.
At dahil na rin sa kagustuhan ng mag-asawa na mapaligaya ang mga Dongyan o mga supporters ng kanilang loveteam, minabuti nila na mag-co-produce sa GMA-7 ng isang sitcom, may pamagat na Jose and Maria’s Bonggang Villa’ na magsisimula nang mapanood sa darating na Mayo kada Sabado ng gabi.
“Kung miss nila kami. Mas miss na miss namin sila. Kaya siguro isa ito sa ma-o-offer namin sa kanila. After 10 years nakikita namin ‘yung mga comments nila, nangungulit sila.
“Mine-message rin kami kung kailan kami babalik, magsama kaming dalawa. So, finally ito mangyayari na talaga siya, so para sa kanila yan,” say ni Marian.
Tsika rin na para mapalapit nang husto sa puso ng mag-asawa ang kanilang sitcom na gagawin ay nakipag co-produce sila sa Kapuso Network.
“Siguro more than being co-producers we really consider ourselves co-creators. Kasi kahit kami sa set, as actor, with the director and with the creative team, lalo na siguro pagdating sa comedy. Kumbaga kung ito ‘yung nakasulat sa script, minsan mababago yan.
“Aside from, of course, being co-producers ‘yun ang pinaka-fun part dito,’cause there is so much to explore from different experiences ng lahat ng members na bumubuo nito,” saad naman ni Dingdong.
***
MARAMI na rin sa fans ni Solenn Heussaff ang nami-miss siyang makita muling lumabas sa serye. Pero by this time nais sana ng kanyang mga follower na mapanood siya sa isang drama serye.
Kung matatandaan, halos lahat ng seryeng ginawa ni Solenn ay pawang action ang genre. At ease kasi si Solenn sa mga action scenes. Tsikang iwas si Solenn na mapasabak sa mga madadramang eksena.
“Ayoko ng drama scenes dahil nahihirapan akong umiyak,” say ni Solenn.
Bukod sa hirap umiyak ay mahina pa rin si Solenn sa pagsasalita ng Tagalog words na naging dahilan kung bakit hirap din siyang mag-memorize ng mga linyahang mahahaba in Tagalog.
“Kilala ako sa showbiz as makulit at baluktot mag-Tagalog. Pero gusto ko ring makilala bilang award-winning actress,” saad pa ni Solenn.
Sa ngayon, bukod sa pagiging abala bilang isang vlogger at bilang isang ina at asawa, busy pa rin si Solenn sa show nila ni Gil Cuerva na “Taste Buddies”.