Advertisers

Advertisers

Sugalan sa harap ng simbahan

0 317

Advertisers

GARAPAL naman pala ang mga iligalista at peryanteng pinapayagan ni Mayora Andrea “Andeng” Ynarez na makapaglatag ng kanilang negosyong sugal diyan sa siyudad ng Antipolo.

Napuna lamang natin na nitong nagdaang Semana Santa, sa halip na mga bedotong namamanata sa St John Mary Vianney Parish Church sa Marilaque Hiway, Brgy. Mambugan ang makikita mong nagkalat, pawang mananaya ng color games at dropball ang nakahambalang.

Walang keber ang tila mga Hudyong operator ng peryang may sugal na ito sa sagradong kaganapang nangyayari sa naturang simbahan sa panahon ng Mahal Na Araw.



Sa halip na lagyan ng trapal ang kanilang opisyong sugal sa naturang lugar ay tila nakikipagkumpitensiya pa ang sugalang ito sa pagpasok ng mga tao sa St. John Mary Vianney Parish church.

Ang alam natin, tutol ang kura paroko ng simbahang ito sa presensiya ng naturang perya sa harap ng kanilang sambahan ngunit ayon umano sa barangay, nakakuha ng permit sa city hall ang Hudas na operator ng color game.

Pirmado umano ito ni Antipolo City Mayor Andeng Bautista Ynarez.

Talaga?

Baka naman napaikutan ng kung sinong mga pindeho itong si Mayora Andeng at di alam ng lady mayor ng Antipolo City na “gambling den” o puwesto ng iligal na sugal ang inilatag sa harap mismo ng simbahan?



Naalala tuloy natin noong panahon ni Jesus Kristo kung saan naaktuhan nitong nagsusugal sa harap ng simbahan ang ilang kalalakihan.

Nagpupuyos sa galit si Jesus Kristo sa pambabastos na ito na ginagawa sa mismong tahanan ng Diyos.

Agad na PINALAYAS ni KRISTO ang mga lalaking nagsusugal.

Sana naman, maging ganito rin ang maramdaman at disposisyon ni Mayora Andeng kapag nalaman niyang may ilang taga-city hall ang nagbigay pahintulot sa hindorotot na operator ng nasabing peryahan para mag-operate gamit ang kanyang pangalan.

Maging sa tanggapan ni Antipolo chief of police, Lt. Col. Jun Paolo Abrazado ay may nagsasabi ring kaya di nila mahuli ang iligal na sugal na iyan sa tapat ng simbahan ay dahil ginagawang panangga ng operator nito ang pangalan ni Mayora Andeng Ynarez.

Ganoon?

Hindi talaga natin mapaniwalaan ang mga sinasabing ito ng mga tulisan este kapulisan ni Col. Abrazado.

Baka naman Kernel, atrasado ka at ang iyong intel operatives sa pagkuha ng mga intel infos patungkol sa mga iligal na kaganapan dyan sa iyong AOR?

Atrasado nga ba Colonel Abrasado o TIMBRADO sa police station mo?

Bagong talaga ka pa lamang diyan sa Antipolo City Police pero may issue ka na agad patungkol sa proliferation ng illegal gambling sa iyong hurisdiksyon!

Paki check nga Kernel kung sinong animal na lalaki ang nagpapakilalang “ kolektong” mo raw sa mga peryahan at illegal gambling operations.

Paki lang po Col. Abrazado, kasi hindi lamang po iisang peryang may sugal ang nasa AOR ng Antipolo.

Kung ang palusot ng mga operators na perya ay ang kanilang permit na nakuha sa barangay at sa city hall, hindi naman siguro gago at TANGA ang mga barangay captains at mismong si Mayora Andeng na bigyan ng permit to operate ang isang sugalan?

Wag na tayong magpaikutan pa Col. Abrazado sir.

Hindi magugustugan ni PNP Rizal Director, PCol. Dominic Baccay kung mababasa niya sa mga peryodiko na pinamamahayan na pala ng mga gambling lords ang kanyang probinsiya.

Patunay lamang ito na kung hindi MALATUBA ang kanyang mga COPs ay pawang MASISIBA sa intelihensiya!

Ikaw Col. Abrazado sino ka dun?

MALATUBA o MASIBA?

Walang personalan Kernel, trabaho lang?

D’yan naman sa bayan ng Taytay,sa Rizal pa rin, isang sugalan pa rin (COLOR GAME) ang matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue,Barangay San Isidro.

Ang mabigat dito, isang pindehong konsehal ng Taytay ang siyang operator at promotor nito.

Dapat sa ungas na konsehal na ito ay sampolan at kasuhan sa kanyang harapang paggawa ng mga katarantaduhan.

Kayong mga taga-Taytay, ibasura na nyo itong konsehal n’yo na bugok.

Kung gusto niyang maging gambling operator, wag na siyang tumakbong konsehal ng bayan.

Binababoy lamang niya ang pamahalaang bayan ng Taytay.

Rizal PD, Col. Dominic Baccay sir, ikaw na ang bahalang kumastigo sa mga taong ito partikular na sa COP mo dyan sa Antipolo PNP.

Reassign mo na lamang Col. Baccay na taga-bantay ng flagpole ng RIZAL PNP Headquarters dyan sa Hilltop.

Mas bagay kay Col. Abrazado, kesa maging COP ng isang premier city ng Rizal.

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com