Advertisers
NGAYONG ayos na ang mundo ng isang alyas “Eddie” nang sundin ng isang yunit ng Philippine National Police (PNP) ang kagustuhan at kaligayahan nito, muling nagsimula ang mga perya sa iba’t ibang bahagi ng Bulacan.
Ang matindi, nagsimula na rin ang operasyon ng iligal na sugal sa mga perya.
Pokaragat na ‘yan!
Katatapos lang ng Linggo ng Pagkabuhay, literal namang nabuhay ang kasamaan sa ilang bayan sa Bulacan.
Pokaragat na ‘yan!
Nagsimula na ang iligal na sugal nina alyas “Jessica”, alyas “Fred”, alyas “Cris” at alyas “Bondying”.
Tulad ng madalas banggitin, ‘di dapat maliitin ang iligal na sugal sa perya tulad ng color game at drop ball dahil , ayon sa mga beterano sa negosyong ito, P50,000 hanggang P100,000 ang kinikita ng mga may-ari ng color game at drop ball.
Pokaragat na ‘yan!
Kaya, hindi tumitigil sina alyas Jessica, alyas Fred, alyas Cris at alyas Bondying.
Kita n’yo, napasarahan sila ng ilang araw, subalit bumalik uli itong sina alyas Jessica, alyas Fred, alyas Cris at alyas Bondying dahil masyadong malaki ang kinikita sa color game at drop ball.
Kaya, hindi ako nagtataka kung bakit nagbukas muli ng kanyang puwesto si alyas “Marissa” sa Monumento”,caloocan City.
Malakihang kita rin kung bakit walang takot itong si alyas “Jun” na ilarga ang kanyang color game at drop ball sa mataong lugar sa Peteros.
Pokaragat na ‘yan!
Kahit sa Taytay, Rizal ay mayroong puwesto itong si Jun.
Subalit, dinaig siya ng ‘isang paligo’ ni alyas “Lito” sapagkat napakalapit sa Barangay ang iligal na pasugalan ni alyas Lito sa Barangay Muzon, Taytay.
Hindi rin padadaig ang drop ball at color game sa maraming bayan sa Laguna.
Lantaran at garapalan ang puwesto sa Pulo Sta. Cruz, Trum Plaza, Golden City, Centenial, San Vicente, Biñan, Sto. Thomas at Langkiwas.
Sa Cavite, hindi pahuhuli ang betaranang si alyas “Emily” dahil patuloy na kumikita ang mga puwesto niya sa Paliparan, Lang aster at Imus.
Tiyak, malakas itong si alyas Emily sa mga opisyal sa Cavite, kaya ang puwesto niyang binabantayan ni alyas “Bong” sa Paliparan ay namamayagpag, sapagkat kumikita nang husto!