Advertisers

Advertisers

Tunay na pagtulong, hindi ‘vote buying’

0 243

Advertisers

It’s not the voting that’s democracy; it’s the counting. — Czech-born British playwright Tom Stoppard

SA pagbibigay pugay sa mga sakripisyo ng mga guro at lahat ng miyembro ng akademya, pinahalagahan ni independent congressional candidate Rose Nono-Lin ang pagbibigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na estudyante kaysa unahin ang pamumulitika.

Bago pa man nilunsad ni Nono-Lin ang kanyang scholarship program para sa mga kabataang mula sa mahihirap na pamilya, binigyang pansin na nito ang edukasyon bilang bahagi ng pagpapaunlad sa bansa subalit inulan lang ito ng batikos mula sa kanyang mga kalaban sa politika na nagsabing ang naturang programa ay paraan lang ng vote buying o pamimili ng boto.



Pinahalagahan nito ang kanyang adhikain sa pagbibigay ng scholarship sa mga karapatdapat na estudyante na nais makapagtapos ng kanilang pag-aaral subalit walang pinansyal na kakayahan para makamit ang kanilang ambisyong makumpleto ang kanilang edukasyon.

“Hindi tama na sabihing vote buying ang pinapamahagi kong mga scholarship grant dahil ang mga makikinabang dito ay ang mga kabataang hindi naman mga botante,” wika ni Nono-Lin na tumatakbong kinatawan ng Ikalimang Distrito ng Quezon City.

Ang argumentong ito ng kandidatong negosyante ay suportado ng abogado niyang si Atty. Manuel Jeffrey David na nagbanggit na ang intensyon ng kanyang kliyente ay hindi bilhin ang suporta ng mga botante sa kanyang distrito kundi makatulong na mabigyan ng kalidad na edukasyon ang mga kabataan, partikular na savkanyang nasasakupan.

‘Nilunsad namin ang aming scholarship program ilang buwan bago ang campaign period at ipagpapatuloy namin ito dahil ito ang aming paraan para makatulong sa ating mahihirap na kababayan na dumaranas ngayon ng karukhaan sanhi ng impact ng Covid-19 pandemic at unemployment,” idiniin ni David.

“The only reason that the scholarship program is being criticized and tagged as vote buying ay dahil sa pinapalabas nila na gagawin namin ang lahat para manalo. Our political foes should stop politicizing the issue,” dagdag ng abogado kasabay ng paglilinaw na ang tunay ng nais ni Nono-Lin ay maiangat ng kabuhayan ng bawat Pilipino, lalo babyaong nasa kanilang distrito, sa pamamagitan edukasyon at people empowerment.



* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!