Advertisers
NOON pa mang ini-launch ng Viva si AJ Raval bilang pantasya ng bayan, nasa plano na ng movie company na gawin nito ang Scorpio Nights 3 na unang pinagbidahan nina Anna Marie Gutierrez at Joyce Jimenez.
Pero dahil gusto muna niya na magpokus sa pag-aaral, naisipan daw niyang mag-lie low muna sa pagpapaseksi.
Katuwiran niya, anytime raw naman ay puwede niyang balikan ang pag-aartista.
Aniya, kung nag-swak daw naman sa iskedyul niya ay posibleng nagawa na niya ito noon.
“Yung Scorpio Nights, kung nagawa po siya ng earlier like this month, April, siguro sa akin pa rin po siya.
“Magagawa ko pa rin siya, pero parang may goal ako this year. Like, kunwari po, June po, pasukan. Plan ko po is mag-enroll ako this year.
“Parang magla-lie low mo muna ako sa pagpapaseksi. Mag-aaral din muna po ako,” aniya.
Gayunpaman, nagpapasalamat daw naman siya sa Viva dahil sa pagkunsidera sa kanya sa nasabing controversial role.
“Grateful po ako na para sa akin ang Scorpio Nights kasi nag-i-start pa lang ako sa Viva, yun na rin po ang pinag-uusapan, Scorpio Nights,” paliwanag niya.
“Malungkot din po ako na isa po yung Scorpio Nights sa pagsa-sacrifice ko dahil may plans ako this year katulad po ng pag-aaral ko,” dugtong niya.
Klinaro rin niya na hindi raw naman ibig sabihin noon na tuluyan na niyang tatalikuran ang pagpapaseksi.
Mas gusto raw niyang magpaka-actress at gumawa ng mga makabuluhang pelikula.
Bet din daw niyang matupad ang kanyang pangarap na maging action star tulad ng kanyang amang si Jeric.
Si AJ ay tampok sa pelikulang Kaliwaan bilang unfaithful partner ng 2022 Asian Film Festival best actor na si Vince Rillon.
Kasama rin sa cast sina Mark Anthony Fernandez, Denise Esteban, Felix Roco at Juami Gutierrez.
Mula sa direksyon ng award-winning director na si Daniel Palacios (Pailalim,The Brokers), mapapanood na ang pelikula sa Vivamax simula sa Abril 29.