Advertisers

Advertisers

Andi at Philmar nagbukas na ng 2 negosyo sa Siargao

0 195

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGSIMULA lang sa pagkakahilig sa surfing ang lahat kay Andi Eigenmann na nagpabago sa takbo ng buhay niya.
Sa surfing niya nakilala ang naging mister at ama ng kanyang dalawang anak, si Philmar Alipayo na isang surfing instructor. Sa piniling pribadong buhay ngayon ni Andi ay dumating na rin sa punto na naging isang negosyante na rin siya.
Bukod sa pagiging hobby ay ginamit na rin niya ang surfing para sa pagpapatayo ng negosyo nilang mag-asawa at pinangalanan nila itong Kanaway Surf Shop. At bukod sa surf school ay nagdagdag pa sila ng isang negosyo na may kaugnayan din sa surfing, ang kanilang Surf Shop.
“Nag-partner up na kami with Mang Carding of Kanaway Surf School, so we are going to reopen Kanaway together this time, and preparing the shop in time for you, guys! This summer!,” say ni Andi.
Hindi lang dahil sa hilig kaya nagawa nina Andi at Philmar na mag-open ng isang surf school and shop, likas na rin kasi sa magpartner na dumamay sa kanilang mga kababayan sa Siargao. Remember nung sinalanta ng malakas na bagyo ang kanilang bayan, sina Andi at Philmar ay kusang nagpaabot ng kanilang tulong sa mga nabiktima ng naturang bagyo.
“It’ll be obviously such great help to the surf instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” saad ni Andi.
***
SIMULA palang nang idinerehe ni Direk Joel Lamangan ang young actor na si Sean de Guzman, via ‘Anak Ng Macho Dancer” ay nakitaan na niya ito ng potensiyal na maging isang award winning actor balang araw.
At tila ang ‘balang araw’ na iyon ay magkakatotoo sa bagong movie na si Sean na mismo ang bida at sa direksyon ni direk Joel, ang “Fall Guy” na produced ni Len Carillo ng 3:16 Media Network at John Bryan Diamante ng Mentorque Productions, mula naman sa panulat ni Troy Espiritu.
“Magkakaroon siya ng award sa pelikulang ito. Sa aking peikula siya unang nakita – ‘Anak ng Macho Dancer’, ‘Lockdown’, at ’yung mga kasunod pa niyang pelikula na kasama ako.
“Bakit ko siya pinili? Dahil nakitaan ko siya ng husay sa pag-arte. Nakitaan ko siya ng intrinsic quality ng isang mahusay na aktor na puwede pang ma-develop bilang pangunahing aktor ng ating industriya. Kaya noong binigay sa kanya ang proyekto na ito, hindi na ako nagdalawang isip,” say ni direk Joel.
Sa ‘Fall Guy’, gagampanan ni Sean ang karakter ng isang social media influencer na magiging biktima ng kawalang hustisya, kaya aasahan sa movie na ito ay mga madadrama at maaksyong eksena. Makakasama ni Sean dito sina Cloe Barreto, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Quinn Carillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Jim Pebangco, Pancho Carillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortizm, Hershie de Leon, Itan Rosales, Tina Paner, at Glydel Mercado.