Advertisers

Advertisers

ILANG TRAPO…, DIRETSO SA POSONEGRO!

0 2,084

Advertisers

MGA ka-ARYA.., sa huling tatlong linggong nalalabi ngayong panahon ng kampanyahan ay batid na ng mga kandidato ang kanilang kasasapitan pagdating ng takdang araw.ng halalan sa Mayo., ika nga, may sasampa sa PUWESTO at mayroon din naman na ilang TRAPO (TRAditional POliticians).., ang diretso sa POSONEGRO.

Naoobserbahan na o nararamdaman na kung sinong mga KANDIDATO ang LIYAMADO.., at kung sino naman ang kinakailangang manalangin o magdasal para sa milagro.., pero sa 5th DISTRICT ng QUEZON CITY ay sadyang kakaiba ang estilo ng mag-utol na politikong tila ba naghuhuramentado na sa kanilang sitwasyon.

Bakit kanyo? Kase po.., sa pinakahuling POLITICAL SURVEY sa nasabing distrito ay lumalabas na DEHADO ang kapatid ng nakaupong KONGRESISTA; kaya naman ang kanilang taktika.., UMAATIKABONG PANLILINLANG sa SOCIAL MEDIA ayon mismo sa kanilang mga ka-distritong unsiyame sa estilo ng magkapatid.



Sa pinakabagong gimik ng mag-utol ay binira ang programa ng kanilang kalaban sa politika.., pinaratangan nilang nagbo-vote buying.., yun pala sablay ang akusasyon, kase nga naman ang mga batang edad 17 pababa ang pinagbibili umano ng kanilang mga boto.., susmiyo, paano magbebenta ng boto ang mga batang wala pang karapatang lumahok sa eleksiyon?

Partikular na pinuntirya ng mag-utol na incumbent REP. ALFRED VARGAS at si QUEZON CITY COUNCILOR PATRICK MICHAEL VARGAS ang scholarship program para sa mga batang maralita.., palibhasa nasapawan sila ng isang bagito lang sa pulitika na kumakandidato bilang QC 5th DISTRICT REPRESENTATIVE na si ROSE LIN o mas kilala sa tawag na Ate Rose sa kanilang distrito.

Sa totoo lang e puwede namang si REP. VARGAS o ang kaniyang kapatid na COUNCILOR ang dapat na dinudumog ng mga estudyanteng maralita kung naglunsad sana sila ng gayong programa.., ang kaso e tanging nalaman kong naging programa ni REP. VARGAS ay ang pekeng pabahay sa mga bakanteng lote ng BUENAMAR SUBD., BRGY. NOVALICHES PROPER at maging sa PALMERA HOMES, BRGY. STA. MONICA ng DISTRICT 5, QC.., resulta, may halos 500 pamilyang umasam sa proyekto ang naghain ng kaso sa OMBUDSMAN laban kay REP. VARGAS.

Hindi ako abogado.., pero sa aking pananaw ay hindi kailangang maging abogado para maunawaan ang walang sustansyang pagbubunganga ng sumisibol na DYNASTY sa ikalimang distrito.

Sa kalatas ni ATTY. MANUEL JEFFREY DAVID na isa sa mga tagapagtaguyod ng nasabing programa.., karamihan aniya sa mga personal na nagpalista sa hangaring makapag-aral ng libre sa ilalim ng SCHOLARSHIP PROGRAM ni ATE ROSE ay mga batang edad 17 pababa.



Ngayon, nasaan ang VOTE BUYING sa programang puro bata ang nagpalista? Paano sasabihing binibili ang boto ng mga batang di pa naman pinahihintulutang lumahok sa halalan? Bakit programa ang binabaterya? Bakit hindi nila kasuhan yung mga inaakusahan nilang nagbenta ng boto?

Wow, isa lang ang malinaw.. maruming pamumulitika ang gayong patutsada o pag-aakusa ng mag-utol.., walang sustansya pero mapamuksa lalo pa’t kinabukasan ng mga bata ang kanilang inaasinta.

Hindi botante ang mga bata at walang POLITICIAN na nasa tamang katinuan ang bibili ng boto ng mga batang hindi pa naman pwedeng bumoto sa nalalapit na halalan sa Mayo.

Ang tanong.., nasa katinuan ba ang epal na CONGRESSMAN at ang utol niyang sunud-sunuran lang sa kanya? Sabi nga ng ilang mga EXPERT OBSERVER sa naturang distrito na ang mag-utol ay.., parehong UTAK IPIS!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.