Advertisers
Ni BETH GELENA
AYON kay Bea Alonzo, priority niya ang career kesa sa lovelife.
Marami pa raw kasi siyang dapat gawin para sa pamilya.
May boyfriens ang aktres, si Dominic Roque.
Natanong siya, what if mag-propose na ang aktor ng kasal.
Sagot ni Bea: “kung magpo-propose si Dom, tatanggi pa ba ako? Syempre, ‘yes’ ang isasagot ko.”
Sabi ng bashers ni Bea, nagpaparinig umano siya sa boyfriend. Hindi man lang daw nito hinintay na tanungin siya ni Dom.
“Pagiveaway na si Ateng. Bakit mo naman sinabi un sagot na wala pang tanong.”
Si Bea na lang daw ang mag-propose.
Espekulasyon naman ng iba, “malamang nag-propose na di lang pwedeng ireveal kasi may kontrata pa si bea”
Paano naman daw kung ‘di mag-propose ang boyfriend kahit nagpaparinig na ang jowa.
“Dapat quiet ka lang wag mo pangunahan.”
“Naku si girl ang patay na patay sa relationship at mukha ata na turn off yan at baka ma jinx.”
Pinagtatalunan naman ng mga Marites kung sino ang maghahanap buhay kapag ikinasal na ang celebrity couple
“Dom seems like a good man who loves not just Bea but her family. In God’s proper time. She deserves to be happy with a man who truly loves her and will remain faithful to her and Dom seems to be that.”
“Di pa ready si Dom financially sa pagka **feeling** high maintenance ni tita Bea”
Umayon naman ang isang commenter, “Tama ka dun sa “feeling” high maintenance.”Pa” high maintenance nga sya. I know mucho dinero sya pero may pagka-trying hard nga ang pagka-high maintenance nya.”
“Kahit hindi naman high maintenance si bea, di makakabuhay ng pamilya si dom.”
Hindi pa rin matake ng basher ang sagot ni Bea.
Pwede raw naman sabihin nito na “She could have said, we’ll see or I’d cross the bridge when I get there.”
“Hala. Parang atat na sya. Sana medyo pakipot na di halata.”
***
BELLA POARCH AT JOSHUA GARCIA BAGONG LOVETEAM
VIRAL ang pag-feature ng Fil-Am singer-TikToker na si Bella Poarch ng kanyang video na feature si Joshua Garcia.
Sadyang nabighani ang sensational vlogger sa kagwapuhan ni Joshua dahil kahit nagluluto siya nasa isipan pa rin niya ang aktor.
Sey nga ni Bella sa caption, “Singer ba siya?”
Sinagot siya ni Joshua ng face with peeking eye emoji.
Ang nasabing viral video ng dalaga ay umabot na sa 11.4 million views.
Marami ang kinilig at naaliw sa pagkakasama ni Joshua sa video ni Poarch.
Kaya lang may mga netizen na nagreak at pabirong sinabihan ang vlogger na “Build A B*tch” na umayos daw dahil may pila.
Eto pa ang ibang komento ng mga may ‘pagnanasa’ kay Joshua.
“Walang idol idol dito. Pila din pag may time bhie.”
“Ayun na tapos na ang laban kuya Joshua.”
Hirit naman ng isa, “Sorry Bella, walang sikat sikat dito pumila ka.”
Aba, maging ang kapwa aktor na si Joross Gamboa ay nagkomento rin.
“May bago na namang love team,” saad nito na umani ng 199 heart reactions.
Ang ending, ngayon ay pareho nang nagpa-follow sa isa’t isa sina Joshua at Bella sa kanilang Instagram account.
***
PAPA P. NANGINGITIM ANG PAA SA KATATANIM NG HALAMAN
MARAMING naiinggit sa kapalaran ni Moi Bien, ang dating personal assistant ni Piolo Pascual.
Matagal na nanilbihan si Moi kay Papa P kaya alam na niya ang likaw ng bituka ng gwapong aktor.
Sobrang close ng dalawa dahil ayon kay Moi hindi isang ‘wala lang’ ang turing ni Papa P sa kanya kundi isang kapamilya at mabuting kaibigan.
Sa ngayon ay hindi na PA ni Papa P si Moi mula nang pinayagan niyang mag-artista ito.
Pero kapag nagkikita ang dalawa daig pa nila ang magsyota.
Sa vlog ni Moi ay makikitang tinu-tour siya ng aktor sa rest house nito sa Batangas.
Bawat sulok ng mansion ay ibinabahagi ni Papa P king gaano siya ka-hands-on pagdating sa mga gawain sa napakagandang mansion.
Tulad ng mga halamang nakapaligid sa kanyang rest house.
Siya raw mismo ang nagtatanim ng mga halaman sa paligid.
Marami ang naaliw sa kulitan ng dalawa habang pinapakita ng aktor ang iba’t ibang bahagi ng kanyang bahay.
Si Moi na feeling jowa si Papa P ay walang ginawa kundi yapusin at amuy-amuyin ang aktor.
Napuno ng biruan at tawanan ang house tour ng aktor sa dati niyang PA.
Biniro pa ni Moi si Papa P na nangingitim na umano ang mga paa ng aktor dahil sa katatanim ng mga halaman.
Kinaiinggitan talaga ng netizens si Moi dahil tinulungan din siya ni Piolo na matupad ang isa niyang pangarap, ang makapagtapos ng pag-aaral.
Ngayon ay isa na siyang degree holder matapos siyang makapag-enrol sa culinary class.