Advertisers

Advertisers

Tanong: sumagot na ba ang Comelec sa Smartmatic ouster?

0 201

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “… `Humayo kayo’t ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo’…” (si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas, Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Mateo 10:7-8).

-ooo-

TANONG NG MARAMI: SUMAGOT NA BA ANG COMELEC SA HILING NA PATALSIKIN NA NITO ANG SMARTMATIC SA HALALAN 2022? Maraming mga tao ang nagtatanong ngayon sa Commission on Elections (Comelec) kung nakasagot na ba ito sa sulat ng Office of the Solicitor General (OSG) na ang pangunahing hinihingi ay ang pagpapatalsik ng Smartmatic Inc.



Ang Smartmatic Inc. ang pinangangasiwa ng Comelec sa mga halalan sa Pilipinas noong pang 2010 at siya ding itinalagang tagapangasiwa ng Halalan 2022 na gumagamit ng mga computers sa botohan, bilangan, at pagpapadala ng mga resulta ng botohan at bilangan sa mga kinauukulan.

Kasama sa mga nagtatanong ang mga social media bloggers at mga mainstream media mula sa radyo, telebisyon, at mga pahayagan. Ayon kasi sa mga naunang naglabasang balita, ilang araw lamang ang ibinigay ng OSG sa Comelec upang tugunan ang pagpapatalsik sa Smartmatic sa mga halalan sa Pilipinas, ngayong 2022 at sa mga susunod pang mga taon.

-ooo-

SMARTMATIC, WALA NG KARATAPANG MANGASIWA PA NG MGA HALALAN SA PILIPINAS, NGAYONG 2022 AT SA MGA HALALAN SA 2025 AT 2028: Sa pahayag ng ilang mga abogado, matitindi ang mga argumentong ipinakita ng OSG sa sulat nito sa Comelec upang umpisa sa Mayo 09, hindi na ipahahawak pa sa Smartmatic ang anumang bahagi ng eleksiyon sa bansa.

Una dito ay ang kawalan ng kuwalipikasyon ng Smartmatic upang maging tagapangasiwa ng mga halalang gamit ang computer. Lumalabas na inamin kasi diumano ng Smartmatic sa isang pulong sa Senado na isang manggagawa ng nasabing computer company ang nakialam sa mga datos ng Comelec ng walang pahintulot ang poll body.



Nagpakopya diumano ang manggagawa ng Smartmatic ng mga Comelec data sa ibang mga tao. Inilagay ng Smartmatic sa kawalan ng kredibilidad ng Halalan 2022 sa naganap na ito, ayon sa mga dalubhasa.

-ooo-

KAWALAN NG KATAPATAN NG MGA RESULTA SA HALALAN 2022 NA ILALABAS NG SMARTMATIC, PIANANGANGAMBAHAN: Pangalawa, binabanggit din ang pag-amin ng may-ari ng Smartmatic, si Antonio Mujica, na sumobra ng halos isang milyong boto ang inilabas ng mga makina ng Smartmatic sa halalan sa Venezuela na ito din ang nangasiwa.

Pangatlo, ipinupunto din ang pagkakahuli ng ilang mga manggagawa ng Smartmatic na sinasabing nakialam sa computer software, o sa sistema ng mga kautusang ginagamit ng mga computers nito sa halalan, ng walang pahintulot ang Comelec.

Hindi man nababanggit sa mga opisyal na dokumento, pinaniniwalaan din ng marami na itong pakikialam na ito ng ilang mga manggagawa ng Smartmatic sa computer software ng mga makina nito sa computerized elections ang naging daan upang ang halos isang milyong botong lamang ng isang kandidato noong 2016 ay mabura at mabilang bilang boto ng kaniyang kalaban.

-ooo-

MANOOD, MAKINIG! REAKSIYON? Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/Kakampi Mo Ang Batas, Radyo Pilipino stations, Luzon, Visayas, and Mindanao, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Newsbreak Media Company, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, at 95.5. J FM network. Para sa mga reaksiyon: +63 947 553 4855, batasmauricio@yahoo.com.