Advertisers

Advertisers

Hiwalay agad after ikasal…Maja at Rambo ‘wag daw sana matulad kina Carla at Tom

0 147

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

IBINAHAGI nina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa kanilang socmed na sila ay engaged na.
Nag-proposed na nga ng marriage si Rambo sa gf na si Maja sa kanilang bakasyon sa El Nido Palawan.
May nag-ask kay Maja kung gusto na nito magka-baby bago pa sila ikasal.
Need pa raw nito na magkaroon ng diamonds bago pa ang ganung bagay.
Target ni Maja na mga 35 pa siya magbuntis o makabuo sila ng pamilya ni Rambo.
Marami namang kaibigan sa showbiz ang bumati kay Maja sa kanilang nalalapit na kasal ni Rambo.
Pero may mga netizen na nagsasabi na huwag naman daw sana matulad sa nangyari kina Carla Abellana at Tom Rodriguez na after ng kasal at 3 months na pagsasama ay nagkahiwalay din.
***
Catriona Gray nagbigay din ng suporta kina VP Leni at Kiko
NAGING tampulan ng tukso na naglalaban na partido sa eleksyon sina LeniKiko at Unity team.
Kung sino bang mga beauty queen ang sumusuporta sa dalawang magkalaban na partido ng bansa.
Pareho naman daw may beauty queen na tagasuporta ang LeniKiko at Unity team, magkaibang-level nga lang daw.
Nagpahayag na nga ang dalawang beauty queen na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na parehong Miss Universe, ng suporta sa kandidatura nina VP Leni at Kiko.
Ayon sa KakamPink na huwag naman daw mag-aalala ang mga Pulahaan or manok na pula dahil may byuti kwin din sila.
At ang tinutukoy ay ang baklitang si Juliana na nanalo sa pa-contest ng It’s Showtime noon.
Well, well, well…’Yun na!