Advertisers

Advertisers

ISKO AT HONEY WARAK NA SA MANILENO

0 321

Advertisers

ANG bumoto sa korap, kasabwat, ang bumoto sa tapat, kabalikat.

WALA nang mukha ihaharap pa sina losing Presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno at outgoing Vice Mayor Honey Lacuna sa publiko lalo na sa Manileno dahil sa kaliwa’t kanan kontrobersya kinakaharap ng mga ito.

Si Yorme na pinupulaan dahil sa “withdraw Leni’ controversy, habang si VM Honey naman ay pasok sa “ill-gotten wealth” conviction sa Sandiganbayan ng kanyang pamilya.



Wala na, finish na kayo!

***

LUMAGAPAK ang ginawang joint presscon ni Isko na siyang may pakana ng palpak na campaign strategist. Hinatak pa at binudol sina Senador Ping Lacson at dating Security Adviser Norberto Gonzales.

Imbes na makakuha ng simpatiya, nag-boomerang kay Isko ang natutrang presscon sa Manila Pen nitong easter Sunday.

Naghahanap kase ng easter egg, pero basag na pula ang nahanap!



NAISKO SINA PING!

MALINAW na hindi kinagat ng publiko ang “kwitis” na pasabog ni Yorme na nauwe sa sisihan ng magkabilang kampo.

Maging si Senador Lacson ay nagoyo ni Isko kaya naman todo-deny at nagsabing hindi kasama sa kanilang agenda ang “withdraw Leni.” Si Isko lang daw ang may pakulo.

Naku, naISKO ka Ping!

BAHO NG PAMILYANG LACUNA, NABUNYAG

SI VM Honey naman ay nabunyag na ang nakaw na yaman ng kanyang pamilya, matapos ang inilabas na conviction ng Sandiganbayan sa kasong ill-gotten wealth ng pamilya nito.

Sa desisyong inilabas ng anti-grfat court noong July 7, 2020, pinasasauli na ang mga ari-arian nabuko “unlawfully acquired,’ naipundar ng kanyang mga magulang na sina dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna at Melanie “Inday” Honrado, dating executive ng PNB.

Convicted sila sa unexplained wealth!

DESISYON NG ANTI-GRAFT COURT

SABI ng Sandiganbayan: “This disproportion creates a disputable presumption that the properties acquired from 1998 to 2004 were unlawfully acquired and that the respondent-spouses (Danilo and Melanie) have the burden of rebutting the presumption. “

Hanggang ngayon, bigo si Vice Mayor Honey na magbigay linaw sa usapin ito laban sa kanyang magulang.

Ang baho, matagal nang itinatago!

***

ANG mga ilegal properties na pinakukumpiska ng Sandiganbayan pabor sa gobyerno ay ang kinatitirikan bahay at lupa ng pamilyang Lacuna sa No. 3802 Biyaya St., Bacood, Sta. Mesa (Biyaya Property); House and Lot na nasa No. 541 Saklolo cor Biyaya Sts., sa Sampaloc (Saklolo Property) na ilegal na naipundar ni Lacuna bilang Vice Mayor noong 1999; lote nagkakahalaga ng P2.8M sa Tagaytay City (Tagaytay property), na nabili noong 2000.

Pati ang isang Honda CRV at Hyundai Starex ay illegal na nabili; limang (5) shares of stocks na umaabot sa P6,605,000 ito mismo ay nakasaad sa isinumite nilang statement of assets and liabilities network (SALN).

Hindi maritess ito mga katoto, may resibo!

MOTION FOR RECONSIDERATION, IBINASURA

IBINASURA rin ng Sandiganbayan ang apela ng pamilya ni Vice Mayor Honey nang magsampa ito ng motion for reconsideration noong Agosto, 20, 2020.

At nitong January 7, 2021, tuluyan nang dinismiss ang kanilang M.R ayon sa korte : “Wherefore, premises considered, the motion for reconsideration dated August 2, 2020 of respondents-movants Danilo B. Lacuna and Melanie H. Lacuna, is hereby denied for lack of merit,” bahagi ng 5-page resolution na inisyu nina Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Sarah Jane Fernandez habang nagsilbing ponente si Associate Justice Bernelito Fernandez.

Ngayon Manileno, boboto pa ba kayo ng magnanakaw sa kaban ng Maynila?!

***

(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)