Advertisers

Advertisers

LIFESTYLE NI GORDON INARYAHAN NI DIGONG!

0 1,342

Advertisers

KARANIWANG bulag ang pubiko pagdating sa lifestyle ng mga senador dahil tahimik ang mga ito pagdating sa ganitong isyu, gayunman mula nang magkairingan nitong nakaraang taon sina PRESIDENT RODRIGO DUTERTE at SENATOR RICHARD “DICK” GORDON ay inaryahan na ng pagbubulgar ng una hinggil sa maluhong istilo ng pamumuhay ng huli.

Mismong si PRES. DUTERTE ang naglalahad sa lifestyle ni SEN. GORDON na matagal naging OLONGAPO MAYOR.., naging SBMA CHAIRMAN at SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE.

Inihayag ni PRES. DUTERTE na kung pinuna siya ni GORDON nang pumasok sya sa LUXURY WATCH STORE sa MAKATI MALL ay hindi naman umano siya nagsusuot ng mamahaling relo.., ‘di gaya ng SENADOR na laging nakasuot ng ROLEX watches. Ang ROLEX ay may presyo na P400,000 hanggang P2.5M ngayon.



Si SEN. GORDON ay nakikitang sumasakay sa mamahaling CADILLAC ESCALADE SUV. Ang ESCALADE ay nagkakahalaga ng 17M. ., na mayroon pa siyang LUXURY VEHICLES na ginagamit.

Bukod diyan ay sinaliksik ng tropa ni PRES. DUTERTE ang mga ari-arian ni GORDON.., na ikinadiskubreng may ilan itong CONDOMINIUM UNITS sa PACIFIC PLAZA, BGC, TAGUIG CITY. Ang mga CONDO UNIT sa PACIFIC PLAZA BGC ay nagkakahalaga ng 90M hanggang 250M sa kasalukuyang presyuhan. ., na ang isang condo niya ay kasalukuyang ginagamit ngayon ng kanyang anak na babae.

Pinasasauli ni PRES. DUTERTE kay GORDON ang P86M Notice of Disallowance nito nang siya ay SBMA CHAIRMAN.., na ang nasabing halaga ay base na rin sa kuwentada ng COMMISSION ON AUDIT (COA) at mayroon nang pinal na desisyon ang KORTE SUPREMA ukol dito noong 2016; subalit hindi pa naibabalik ang disallowance.

Makailang beses din hinimok ni PRES. DUTERTE ang voters na huwag iboto ang reelectionist senator na sangkot sa ilang anomalya kabilang na ang pagtanggap ng P8M PORK BARREL FUNDS.

Mga ka-ARYA.., kung inyo pang natatandaan ay tinukoy noon ni PORK BARREL QUEEN JANET LIM NAPOLES na binigyan nya si GORDON ng P8M para sa 2010 CAMPAIGN FUNDS na inihatid pa nito mismo sa unit ng naturang SENATOR na nasa 36-C SOUTH PACIFIC GARDEN UNIT PACIFIC PLAZA.



Sa iringan nina PRES. DUTERTE at SEN. GORDON ay tila malakas ang hatak ng una sa mga botante.., dahil sa LATEST SENATORIAL SURVEY ay hindi pumapasok sa magic 12 si SEN. GORDON.

Sa PULSE ASIA SURVEY ay maraming reelectionist senators ang pasok pa rin sa Magic 12.., pagpapakita ba ito na nanatiling mabango ang kanilang pangalan kaya nais pa rin iluklok sa pwesto? Pero.., tila kabaligtaran ngayon ang nangyayari kay GORDON dahil hindi ito pumapasok sa Top12.., indikasyon kaya ito na ayaw na sya ng publiko?

Mga ka-ARYA.., eto ang dapat nating abangan, kung may iaarya ba si SEN. GORDON bilang resbak sa mga sinasabi sa kaniya ni PRES. DUTERTE.., dahil sa mga SENATE HEARING ay napakatapang ni GORDON.., e ngayong nasa labas ng SENATE HOUSE, ganun pa rin ba siya katapang? Abangan ang mga susunod na kabanata!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.