Advertisers

Advertisers

DIGNIDAD NG MAHIRAP AT KARAKTER ANG USAPIN AT WALANG KINALAMAN SA PAGIGING BABAE, ANG HUGOT NI ISKO

0 209

Advertisers

“Maari ang tao, hindi nakapag-aral, maari ang tao mahirap, pero ang tao may dignidad. Huwag mong kukunin sa kanya ‘yun. Pag ‘yun ang kinuha mo sa amin, hinuhulog mo kami sa bangin, sisiguraduhin naming hawak namin ang paa nyo.”

Ito ang may ubod ng lalim na hugot na linya ng totoong nangungunang kandidato sa pagka-Pangulo na si Manila Mayor Isko Moreno, kasabay ng paghahayag ng sama ng loob na ang mga kagaya niyang nanggaling sa hirap, pero nagtrabaho at nagsikap nang husto para malagpasan ang kahirapan ay patuloy na niyuyurakan ng mga mayayaman at elitista sa ating lipunan.

‘Yang lagay na ‘yan ha, si Mayor Isko ay naging konsehal pa, vice mayor at mayor at ngayon ay kandidato para pagka-Pangulo ng bansa.



“Kaya sabi ko kapag yung tao ang nagsikap sa baba, nagpursige, pinatunayan ang kanyang sarili, dahil hindi sya malaking politiko, dahil wala siyang malaking politiko sa basket nya, wala ng karapatan na mamuno sa ating bansa? Kaya nga ang tawag ko sa kanya BBS – bilib na bilib sa sarili,” ani Moreno.

Nakakauta na din ang pag-anggulo ng ibang kampo na kesyo babae ang kinakalaban ni Mayor Isko dahil sa totoo lang, hindi naman isyu ng kasarian ang usapin kundi isyu ng karakter ng isang tao na minamataan ang pinakamataas na puwesto sa bansa.

“Hindi talaga, real talk lang tayo. Tutal pag kayo ang nagsasalita, masakit sa damdamin namin okay lang. Pag kami nangangatwiran bastos na? Na inaapi namin ang babae. Kailan naging issue ang babae? It is an issue of character, character of a person na gustong maging leader ng bansa, character ng tao. Ugali, totoong ugali,” pagliliwanag ni Moreno.

Hindi naman talaga, dahil walang prejudice sa babae si Mayor Isko kahit na kailan. Makikita natin ‘yan sa bumubuo pa lamang ng hanay ng kanyang mga opisyal at tauhan sa City Hall.

Sa mismong opisina niya, bading, tomboy, babae, lalaki, lahat pantay-pantay na nagtratrabaho.



Nadadalawahan na kasi si Mayor Isko, sa totoo lang kaya naman hindi ko siya masisi kung talagang napuno na.

Nung una, kasabay ng pag-file ni VP Leni Robredo ng kandidatura ay nagtrending bigla ang “Withdraw Isko” sa social media. Tapos kelan lang, lumutang ito ulit kasabay ng intriga na aatras na daw si Mayor Isko at pumayag nang maging DILG Secretary.

Pinaninindigan ni Mayor Isko na personal niyang nakausap si Robredo noon at siya ay pinaaatras nga. Kaya naman itong mga sumunod na panawagang siya ay umatras ay tukoy na ni Moreno na galing din kay Robredo at sa katunayan ay hinahamon pa niya ito na i-deny niya ang pagpapaatras kay Moreno, maging kay Senator Ping Lacson.

Ang tanong: Bakit kapag si Robredo ang nagpapa-atras ng kandidato, okay lang pero nung ibinalik ni Moreno kay Robredo ang pagpapa-atras, bigla-bigla, bastos na si Moreno?

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.