Advertisers
Ni JOVI LLOZA
INOKRAY at pinuna naman ng basher ang post ni Angel Locsin kasama ang mister na si Neil Arce sa Isla ng Boracay.
Matagal-tagal din kasi na wala silang rest time mag-asawa kaya ito ang pagkakataon para mag-spend sila ng vacation.
Nire-tweet ng bashers ang tweet ni Angel noon nung panahon na nire-habilitate ang Bora.
Pinuna nga raw ni Angel ang rehabilitation ng Bora na pina-rehab muna ni PRRD.
Ngayon nga raw ay naggora pa si Angel with mister na nagpiktyuran pa.
Kaya resbak ni Angel, ang Bora nga raw ay pag-aari ng Pilipinas.
At kahit sino nga raw na Pinoy ay puwedeng tumutungtong sa nasabing Isla.
Niyakag pa nga nito ang basher na kahit ito ay puwedeng pumunta. Walang sinuman nga raw na nagmamay ari ng Bora kaya walang puwedeng magbawal na pumunta dun ayon sa aktres.
Nang balikan ang account ng basher ay burado na ang account nito matapos resbakan ni Angel.
***
KASABAY ng kaarawan ni Kim Chiu nung April 19 na 32 na ang aktres, masaya ito sa ginawa na pamumudmod ng biyaya.
Imbes nga siya ang magbigay ay siya pa ang nagpaayuda sa mga kabataan.
Masaya namang nakikita ni Kim habang inaabot ang ayuda na food pack sa kabataan.
Sa tinamo na maraming blessings ni Kim ay ibinabahagi niya ito at naging misyon na ang kinagawian na pagmumudmod ng biyaya sa kabataan.
Maraming natuwa na mga netizen sa pagbabahagi ni Kim sa mga kabataan.
Sana all nga raw ay tulad ni Kim na nagse-share ng blessings kaya siguro mas dagsa ang kanyang karaketan dahil ‘di ito madamot.
PERSONAL: THIS coming April 23 ay magdiriwang ng kanyang 79th birthday ang nanay ni Margie Balote at lola ni Maricar Aragon na si Egloria Balote.
Mula kay Margie at sa angkan ni Egloria, binabati natin siya ng HAPPY BIRTHDAY NAY EGLORIA! More birthdays to come.