Advertisers

Advertisers

Kristine ‘di nagsisisi na ipinagpalit ang showbiz career sa pamilya; Angel saludo kay Daniel

0 156

Advertisers

Ni BETH GELENA

ALL praises si Angel Locsin kay Daniel Padilla dahil may sariling paninindigan ang aktor.
Sumama si DJ sa campaign sortie na sumuporta siya sa painting mural para sa aspiring president, Bise Presidente Leni Robredo.
“I have so much respect & admiration for this guy.Tunay na idol na may malasakit. Hindi makasarili. Hindi pera-pera lang. Salamat sa pagtindig DJ!”
May ‘meaning’ ang komento ng netizen, “Hindi pera pera? Sure.”
“Umay much na kayo,” sabi naman ng isang hindi Kakampink.
“So pag sa iba sumusuporta, pera pera lang? Kaya kulelat kayo sa survey eh. Feeling nyo kayo lang marunong pumili ng iboboto.”
“Proud kayo sa False Asia survey? Hahahaah”
“Yan na naman kayo sa FALSE ASIA narrative niyo yet just last month kayo rin yung tuwang-tuwa na medyo umangat nanay niyo on the said survey! Bunch of >!>!>!Ý”
“2nd place is not kulelat. May fighting chance dahil sa sipag ng volunteers :)”
“totoo naman eh, its either bayad sila or shunga for free. kung marunong kayong bumoto, ang unang titingnan niyo ay track record hindi apelido. lets be real here”
“mga self righteous, umunlad ba ang Pinas ng naging yellow behind pink now. ayoko sa number 2.”
“Hindi “pera-pera lang” kasi “franchise-franchise lang”. =”
“Yung pag pa atras ni VP Leni sa ibang pres. candidates, hindi ba matatawag na makasarili yun? :)””
Hindi. It is an act to consolidate to defeat a common enemy. Ang makasarili yung kahapon. Ayaw magwithdraw kasi mawawala campaign fund na pwede ibulsa. Sila yung ayaw daw manalo yung isa pera ayaw magwithdraw kasi di nila maatim na kaya sila talunin ng babae.”
***
NO regrets si Kristine Hermosa kung pinili niya ang pamilya kesa ang showbiz career niya.
Nakapanayam ng King of Talk Boy Abunda ang magandang aktres kamakailan.
Emosyonal na binahagi nito ang sobrang kaligayahan ng kanyang pagiging mother.
Ang pagiging ina umano niya ang naging daan kaya niya na-appreciate ang iba pang mga kagaya niyang nanay na.
“Very selfless sila, ‘yung pagmamahal nila. Hindi bale nang mawalan sila ng oras for themselves, [basta they could] serve their children,” wika ni Kristine.
Hindi naman daw nagseselos ang mister niyang si Oyo Boy Sotto kung mas natutuon ang kanyang atensiyon sa kanilang limang anak.
Natanong kasi ni Kuya Boy kung di nagtatampo si Oyo sa kanilang mga anak.
“Hindi naman Tito Boy kasi alam naman namin ang pinasok namin na once magkaanak kami, it’s a commitment. We just find time na kunyari maluwag, alis kami.”
Aniya, hindi niya pinagsisihang mas pinili niyang unahin ang kanyang pamilya kesa sa pag-aartista.
“To be honest, hindi naman siya madali. Maraming challenges pero kapag alam mo kasi na ‘yun ang gusto mo, kapag mahal mo ang ginagawa mo – I love being a mom and a wife – nagiging madali. Ganun talaga kapag nandoon ang puso mo.”
Sina Kristine at Oyo Boy ay ikinasal noong January 12, 2011 at nabiyayaan ng limang anak.
***
SANDARA LUMIPAD ANG SAPATOS HABANG NAGPE-PERFORM
TRENDING ang paglipad ng shoes ni Sandara Park habang nagpe-perform ang grupo niyang K-pop girl band na 2NE1 sa Coachella kamakailan.
Ibinahagi ni Sandara ang pagtalsik ng kanyang sapatos sa kanyang social media account.
Sobrang energetic kasi si Sandara dahil reunion yun ng grupo mula nang na-disband sila.
Sa kanyang social media account, binahagi ng KPop star na nakuha naman niya ang kapares ng sapatos na lumipad, pero hindi na raw niya nakuha ang medyas.
Marami ang naaliw sa mga post ni Sandara na habang kumakanta at sumisipa-sipa ay tumalsik ang isa niyang sapatos.
Ang dami tuloy memes na naglabasan at kabilang ang kaibigan niyang si Joross Gamboa na nagkomento.
Pabirong tinawag ni Joross si Sandara na ‘Cinderella’ dahil sa nawawala niyang sapatos. “Kung nakaninong Prince Charming man ang Sapatos ni Cinderella paki balik na ang sapatos,” ani Joross.