Advertisers
PAMUMUNUAN nina defending champion Chezka Centeno at Rubilen Amit ang Philippine billiards at snooker squads sa 31st Southeast Asian Games (SEAG) sa Hanoi,Vietnam sa susunod na buwan.
Centeno ay nagwagi ng two gold medals habang si Amit nagbulsa ng isa nang mangibabaw ang Pilipinas sa medal board sa 2019 Manila SEAG na may four golds,three silvers at five bronzes.
Pinagharian ni Centeno ang women’s 10-ball singles event at ang 9-ball pool doubles event kasama si Amit, na winalis ang 9-ball singles event.
Nasungkit rin ni Centeno ang silver sa 9-ball habang si Amit ang nag-uwi ng silver sa 10-ball.
Centeno nag debut sa 2015 SEAG sa Singapore na may golden performance sa 9-ball singles event. Nadepensahan ang kanyang titulo sa 2017 Kuala Lumpur edition at sa parehong taon, nagwagi siya ng silver sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat,Turkmenistan.
Kasama sa team sa Vietnam sina Efren “Bata” Reyes,Francisco dela Cruz,Carlo Biado, Johann Chua, Alvin Barbero at Jefrey Roda.
Reyes, kilala sa world pool as “ Magician” dahil sa kanyang extraordinary talent, at dela Cruz ay parehong sasabak sa men’s one-cushion at three-cushion carom events.
Biado at Chua sasabak sa men’s 9-ball at 10-ball events,habang si Barbero at Roda ay lalahok sa men’s 6-Reds and full rack snooker events.
Sa 2019, Barbero at Roda ay nagwagi ng silver medal sa men’s snooker doubles habang ang bronze medalist ay sina Reyes (one-cushion carom) dela Cruz (one-cushion carom) Roda (snooker singles) Biado at Chua ( 9-ball doubles).
Ang iba pang medal winners sa 2019 pero wala sa 2022 lineup ay sina Dennis Orcollo (gold, men’s 10-ball singles) and Jeffrey Ignacio and Warren Kiamco (bronze, 9-ball doubles).
Francisco “Djangco” Bustamante ang head coach kasama si Roy Vincent Malinao as assistant coach ng national team na nakatakdang lumipad papuntang Vietnam sa Mayo 11, isang araw bago ang SEAG opening.
Ang billiards at snooker competition ay gaganapin mula Mayo 14 to 22 sa Ha Ding Gymnasium sa Hanoi.