Sa huling survey ng Publicus Asia: VM Honey at Cong Yul, sure win na sa May polls
Advertisers
SA pinakahuling survey na ginawa ng Publicus Asia para sa mga kandidato sa National Capital Region, ay iniwan ng milya-milya ng Asenso Manilenyo Mayoral candidate na si Vice Mayor Honey Lacuna ang kanyang mga kalaban para sa isang sure win sa darating na May election.
Ganito rin ang nangyari para kay Manila Congressman Yul Servo (3rd District) na dinodomina ang laban sa pagka-bise alkalde ng kabisera ng bansa.
Sa nasabing ulat majority ng mga respondents ang pumili kay Lacuna habang napakalayong pumapangalawa si Alex Lopez na may 13 percent, sumunod si Amado Bagatsing na may 9 percent, Onofre Abad 7 percent at Christy Lim, 6 percent.
Ayon pa sa survey firm, sa vice mayoral race sa NCR ay mas challenging kung saan 11 sa 17 lungsod ay kinukunsidera bilang “battlegrounds” ng mga pollsters
Sinabi ni Lacuna na sa kabila ng ipinapakita ng mga independent at internal surveys na patuloy ang kanyang pangunguna na may malayong kalamangan sa mga kalaban ay magpapatuloy ang pangangampanya niya at ng Asenso Manileno team upang matiyak ang tagumpay nilang lahat.
Determinado si Lacuna at ang lahat ng kanyang mga ka-tiket na ipagpatuloy ang mga benepisyo na kasalukuyan ng pinapakinabangan ng mga residente ng Maynila lalo na ang mga nasa ilalim ng social amelioration program na sinimulan nila ni Mayor Isko Moreno.
Tiwala rin si Lacuna na sa ilalim ng panguluhan ni Moreno ay mas mapapakinabangan ang mga benepisyo sa buong bansa.
Sa kasalukuyan ang city government ng Maynila ay nagbibigay ng monthly financial assistance sa senior citizens, university students, solo parents at persons with disability (PWDs)
Sa ilalim din ng pagpapatakbo nina Moreno at Lacuna, ang lahat ng health services sa six city-owned hospitals at college education sa city-run universities ay nanatiling libre at ipinangako ni Lacuna na mananatili ito sa ilalim ng Lacuna-Servo administration.
Sa lahat ng mga tumatakbo sa pagka-alakde tanging ang Lacuna-Servo tandem lamang ang may kumpletong tiket magmula sa Congressman hanggang sa six councilors para sa bawat isang distrito ng Maynila.
Nabatid pa na may mga kandidato na tumatakbo bilang independent candidate ang ina- identify pa rin ang sarili kina Lacuna at Servo sa kanilang mga campaign posters. (ANDI GARCIA)