Advertisers

Advertisers

Baucas, Norada pangungunahan ang PH wrestlers sa SEAG

0 211

Advertisers

ANG Wrestling Association of the Philippines ay magpapadala ng 13 atleta sa 2022 Southeast Asian Games (SEAG) na naka iskedyul sa Vietnam mula Mayo 12 to 23.

Ang Nationals ay pangungunahan nina Jason Baucas at Noel Norada, na pinagharian ang men’s Greco-Roman 72kg at 63kg categories sa 2019 SEAG na ginanap sa bansa.

Ang Pilipinas ay nagbulsa rin ng 10 silvers at bronze para magtapos na second overall sa likuran ng Vietnam, na komulekta ng 12 golds at two silvers sa 2019.



Maliban kay Baucas at Norada, sasabak rin sa Greco-Roman sina Margarito Angana, jefferson Manatad at Jason Balabal.

Sa Freestyle category, ang Filipino entries ay sina Alvin Lobreguito, Jhonny Morte, Joseph Angana and Elvis Julius sa men’s division, at Jiah Pingot, Grace Loberanes, Minalyn Foy-os and Noemi Tener sa distaff side.

Lahat ng miyembro ng Vietnam-bound squad ay medalist,maliban kay Julious (86kg) at Loberanes (53kg) na ang categories ay hindi kabilang sa 2019.

Tanging sina Margarito Angana (60kg) Lobrequito (57kg) Morte (65kg) at Pingot (50kg) ang sasabak sa categories kung saan sila nagwagi ng silver medals.

Ang team ay lilipad papuntang Hanoi sa Mayo 13. Ang wrestling competition ay gaganapin mula Mayo 17 to 19 sa Gia Lam Gymnasium.



May kabuuang 656 atleta ang tutungo sa Vietnam, na host sa Games sa ikalawang pagkakataon simula 2003.

Pole vaulter Ernest John Obiena ang mag silbing flag-bearer para sa Team Philippines, na nagwagi ng overall title sa 2019 matapos komulekta ng 149 golds,117 silvers at 121 bronzes.