Advertisers

Advertisers

Kylie nabuking, hiwalay na kay Jake; Carla ginamit ang piktyur ng slimming brand, magdedemanda

0 197

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

BIGLANG naging emosyonal si Kylie Versoza at tumulo na lang ang kanyang luha.
Sa segment ito ng It’s Showtime na may topic sila regarding sa hiwalayan blues.
At paano nga ba raw nadadala ang bigat sa ganun na sitwasyon kuda ni Vice Ganda. Sumagot naman ang kalahok na tila madamdamin.
Dahil daw dun kaya naging emosyonal ang beauty queen-actress.
Kaya natunugan ng mga nasa paligid na hiwalay na sina Kylie at Jake Cuenca.
Niyakap at kinomfort nina Ruffa Gutierrez at Vice si Kylie habang umiiyak. Tumagal din ng 2 1/2 years ang relasyon nina Kylie at Jake.
Mas na-confirm na split na ang dalawa nang mag-post si Kylie ng ‘broken’ at dito na nga nabuo ang tsika na hiwalay na ang dalawa.
***
NILINAW ni Carla Abellana na never siyang gumagamit ng isang brand na nandoon ang kanyang larawan.
Ang nasabing brand ay uri ng pagpapapayat.
Hindi naman itinanggi ni Carla na medyo bumigat ang kanyang timbang.
Simula nang ianunsiyo niya yun ay nakita niya ang isang brand na ginagamit ang kanyang larawan.
At nag-attempt pa ito na pumunta sa page ng nasabing brand para pakiusapan na tanggalin or i-removed nila ang larawan ng aktres.
Isa nga raw itong false advertisement na ginamit ang larawan ng aktres.
Kaya naman pinagdiinan nito na hindi at never siyang gumagamit ng brand na ‘yun. May ginawa nga raw na daily routine si Carla para pumayat at ‘di ang brand na ginamit siya.
Pagwo-work out at meditation at ‘yan daw ang kanyang daily routine kaya na-achieve nito ang kanyang sexy body.
Sa kabila na minessage na ni Carla ang nasabing brand, tila dedma at no pansin ito. Kaya naman magte-take na raw ng action si Carla at ile-legal na ang nasabing usapin.
Well, well, well…’Yun na!