Advertisers
MALAPIT na ang halalan, ngunit wala pa rin sa 12 nangungunangbkandidato sa pagkasenador si Atty. Jose Sonny Matula.
Wala si Matula sa sarbey ng Pulse Asia.
Wala rin sa Social Weather Station (SWS).
Hindi rin siya pasok sa mga ‘di siyentepikong paraan ng sarbey tulad ng “kalye survey”.
Pokaragat na ‘yan!
Gayunpaman, hindi sumusuko si Matula sa laban.
Pursigido si Matula.
Hindi siya natatakot.
Higit sa lahat, wala sa bokabularyo ni Atty. Matula na umatras sa kanyang kandidatura
Pokaragat na ‘yan!
Tama lang, sapagkat laban ng mga manggagawa ang dadalhin ni Atty. Matula sa Senado.
Hindi personal na ambisyon o interes ang paglahok ni Matula sa eleksyon sa pagkasenador sa Mayo 9.
Hindi tulad ni Senador Joel Villanueva na pansariling interes ang bitbit sa kanyang pagtakbo.
Ginagamit lang ni Villanueva ang mga salitang “trabaho” at “manggagawa” upang makakuha lamang ng boto mula sa mga botante, partikular sa mga manggagawa.
Pokaragat na ‘yan!
Ilan sa siguradong ipaglalaban ni Matula kapag naging senador ay totoong pagwawakas ng kontraktuwalisasyon, accross-the-boad na pagtaas ng sahod , pagpapatibay ng unyonismo at iba pang mga isyu ng mga manggagawa.
Hindi sikat si Atty. Matula, ngunit siya ay walang dudang lider-manggawa.
Pangulo si Matula ng Federation of Free Workers (FFW) mula 2011.
Tumagal si Matula sa pagiging presidente ng FFW dahil mahusay at epektibo ang kanyang pamumuno sa FFW.
Maliban diyan, tagapangulo rin si Matula ng Nagkaisa Labor Coalition, ang pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang panig ng bansa.
Naging abogado si Matula noong 1997 matapos siyang pumasa sa bar examination sa nasabing taon.
Noong 1996 siya nagtapos ng abogasya sa Manuel L. Quezon University – College of Law.
Subalit, hindi pa man nagiging abogado at lider-manggagawa si Matula ay aktibo na siyang lumalaban para sa interes at karaingan ng mga manggawa , sa pamamagitan ng pagharap niya sa mga kasong hawak ng FFW sa Department of Labor and Employement (DOLE) at National Labor Relations Commission (NLRC).
Noong 1993 hanggang 1998, naging chief of staff (COS) ni Social Security (SS) Chairman Juan C. Tan.
Naging miyembro naman si Matula ng Board of Directors ng Social Security System (SSS) noong 2006 hanggang 2010.
Siguradung-sigurado si Bise-Presidente Maria Leonor “Leni” Robredo sa paging tapat at seryoso ni Atty. Matula sa pakikibaka nito sa interes at kagalingan ng mga manggagawa, kaya isinama siya sa senatorial slate ng Team Leni-Kiko.
Sigurado si Robredo na si Atty. Matula ay defender ng mga manggagawa.