MHD maglulunsad ng World Immunization Week
Advertisers
INANUNSYO nina Presidential bet Manila Mayor Isko Moreno at Mayoral candidate Vice Mayor Honey Lacuna na ang Manila Health Department (MHD) ay maglulunsad bago matapos ang buwan ng lokal na kampanya na may kaugnayan sa World Immunization Week.
Ito ayon sa kanila ay upang ma-immunize ang mga indibidwal simula sa mga bata sa patuloy na pakikipaglaban ng lungsod at ng bansa sa nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Moreno na ang MHD, sa pangunguna ni Dr. Poks Pangan ay sinimulan ng pag-igtingin ang immunization programs ng lungsod sa lahat ng komunidad sa anim.na distrito ng Maynila.
Ito ayon sa kanya ay naganap matapos ang mahabang panahon ng suspensyon dahil sa COVID-19 lockdown at suspensyon ng face-to-face activities.
Sinabi pa ng alkalde na ang mga routine programs ng MHD sa health centers sa Maynila tulad ng catch-up and routine immunization ng mga bata ay nagpapatuloy na muli.
Samantala, sinabi ni Lacuna na sa kolaborasyon ng Department of Health (DOH), ang MHD ay maglulunsad ng malawakang information campaign upang i-promote ang World Immunization Week sa Maynila mula April 24 hanggang 30, 2022.
Ito, ayon kay Lacuna ay sa pamamagitan ng paglalathala sa mga social media accounts at iba pang media platforms ng sariling Information, Education and Communication (IEC) materials, para mabigyan ng mga kaalaman ang mga Filipinos at hikayatin ang mga ito na ibaling ang kanilang atensyon pabalik sa mga probisyong tulad ng primary care services gaya ng routine immunization sa mga bata at special populations habang nagre-recover ang bansa sa COVID-19 pandemic at transisyon sa better normal.
Sinabi pa ni Lacuna na habang marami ng tao ang protektado mula sa COVID-19, ang bakuna ay higit na maglalapit sa bawat isa sa pisikal na aspeto habang unti-unti ng inaalis ng pamahalaan ang mga restriksyon.
“Vaccines have brought the Filipino people closer in several other ways, safeguarding the individuals from dangerous and debilitating vaccine-preventable diseases (VPDs), have allowed Filipinos to freely gather safely, whether for work, socializing, education, or worship and have also built structures across generations, protecting the very young and old by preventing disease transmission within households and among caregivers, ” sabi ni Lacuna. (ANDI GARCIA)