Advertisers
Ni WALLY PERALTA
HALOS kung gaano katagal na may pandemic sa bansa ay ganun na rin katagal na “nanahimik” ang showbiz career ni Ryza Cenon, kapanabayan din halos ng pagsilang niya ng kanyang panganay na anak na ngayon ay isang taon at kalahati na rin naman ang edad.
Isang pelikula ang magsisilbing comebacking project ni Ryza, ang “Rooftop” ng Viva Films. Ang “Rooftop” ay kuwento ng magkakaeskwela na nasa kanilang summer break na pinangungunahan nina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz, Marco Gallo, Rhen Escaño at Andrew Muhlach, na nagsama-sama para sa isang sekretong party sa rooftop ng campus. Inimbitahan din ng barkadahan si Epy Quizon na gumanap na janitor sa pelikula. Nagsimula ang thrill ng istorya nang mahulog mula sa hagdanan si Epy na naging sanhi ng kamatayan nito.
Suspense ding maituturing ni Ryza ang nalalapit na paglabas ng kanyang pelikula dahil sa ito ang kauna-unahang Pinoy movie na ipalalabas sa mga sinehan, starting April 27, after ng last Metro Manila Film Festival.
“Nakaka-pressure. Kinakabahan ako kasi kami ang unang ire-release sa mga sinehan after a long time.
“We know people are still scared to go to cinemas kasi kulob siya pero sana suportahan pa rin nila ang aming movie.
“Siempre iba pa rin yung experience watching a movie on the big screen, lalo na kung horror film like this, mas nakaka-excite.
“After all, they go na naman to the malls na laging puno ng mga tao sa ngayon. So manood na kayo ng ‘Rooftop’ and we assure you it’s gonna be worth it,” say ni Ryza.
***
LAST year pa nang maghiwalay ng landas si Rhian Ramos at kanyang foreigner na boypren na si Amit Borsok.
Now she’s 31 years old and still single and very much available. Being single now ay happy and choice raw ito ngayon ni Rhian. Sa ngayon kasi ay pokus na muna si Rhian sa kanyang showbiz career, kung saan ay naging maganda ang ratings ng seryeng ginawa niya at pinapalabas ngayon sa Kapuso Network, ang “Artikulo 247” kasama sina Kris Bernal, Mark Herras at Benjamin Alves.
Lately ay tila nagiging trending ang pagpapakasal at proposal ng marriage among celebrities, sa side ni Rhian, ano kaya ang tamang age para sa kanya ang lumagay na sa tahimik?
Ayon kay Rhian, eversince her teenage life ay lagi niyang sinasabi na sa edad na 35 ay gusto na niyang makapag-asawa. Hindi naman kaya masyado na itong late sa isang babae?
“Some people think that’s late, some think that’s perfect and that’s normal. For me, ang dami ko pang gustong gawin and ma-achieve on my own kaya siguro never ko siya naging priority or dream,” say ni Rhian.
Inamin ni Rhian na may dream wedding din siya pero okey din sa kanya na hindi matupad ito.
“I’d be grateful for something like that to happen kung ‘yon yung gusto ni God para sa’kin, but whether or not it happens is also okay lang with me.”