Advertisers

Advertisers

Ryza paboritong paglaruan ng mga multo

0 300

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

BAGAMA’T hindi na bago sa kanya ang paggawa ng horror movies, itinuturing ni Ryza Cenon na ‘breather’ ang gumawa ang ganitong genre, lalo na’t madalas ay nalilinya siya sa drama.
Huling horror movie na pinagbidahan niya ang 2016 QCinema entry na “Ang Manananggal sa Unit 23B” na pinag-usapan ang kanyang masturbation scene.
Sa kanyang bagong pelikulang “Rooftop”, ibang Ryza raw naman ang mapapanood.
“Iyong kasing “Ang Manananggal”, love story siya at may comic twist. Ito namang sa “Rooftop”, it’s a suspense horror talaga na mapapagod ka sa katitili,”paliwanag ni Ryza.
Dagdag pa niya, kung sa first horror movie niya ay siya ang nanakot, siya raw naman ang tinatakot sa bagong obra ni Yam Laranas (Sigaw, The Road, Aurora, Nightshift).
Sa shoot ng pelikula, naranasan din daw niyang may mga ligaw na kaluluwang nagparamdam sa sa kanya dahil abandoned building ang naging location ng kanilang shoot.
Aminado rin siyang bata pa lamang ay meron na siyang mga kakaibang karanasan pagdating sa mga multo.
Iyon daw kasing tinitirhan nilang townhouse noon ay may mga nagpaparamdam sa kanya.
May mga pagkakataon daw na nakaririnig siya ng mga tawanan subalit walang naman siyang mga nakikita.
Minsan daw, nagigising na lang siya dahil sa pagtahol ng kanilang alagang aso.
May makapanindig-balahibo rin daw siyang karanasan na binulabog ng isang espiritu na sumisipa sa kanyang kama.
Isa pang hindi niya makalilimutang nakahihindik na karanasan ay nang multuhin siya ng isang batang hinihila ang kanyang buhok.
Nahinto lang daw ang panliligalig sa kanya ng mga ligaw na espiritu nang kausapin niya ang mga ito para lubayan siya.
Si Ryza ang isa sa mga miyembro ng barkada sa pelikulang Rooftop na pinagtripan ang isang outsider na humantong sa malagim na kamatayan nito.
Eksklusibong mapapanood sa SM Cinemas simula sa Abril 27, kasama rin sa Rooftop sina Marco Gumabao, Ella Cruz, Marco Gallo, Rhen Escano, Andrew Muhlach at Epy Quizon.