Advertisers

Advertisers

Grupo ng mga guro pumalag sa 20% na buwis sa kanilang honoraria

0 200

Advertisers

INALMAHAN ng mga guro na nakatakdang magsilbi sa halalan sa darating na Mayo 9 hinggil sa 20% na buwis na ipapataw sa kanilang honoraria matapos na manindigan ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na tutulan ang panukalang tax exemption sa honoraria at allowance ng mga guro na Bukod dito ay ikinabigla ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang naging pahayag din ng Department of Education (DepEd) na susundin na lamang nito kung ano ang ipapatupad ng dalawang ahesnya sa kadahilanang ito talaga ang nasa posisyon na magkomento hinggil sa usapin na ito.

Bagay na ikinalungkot ng mga miyembro ng nasabing grupo dahil mismong ang ahensya pa raw para sa mga guro ang hindi ipinaglaban ang naturang panukalang tax exemption.

Tila binawi lang din daw kasi sa mga guro na magsisilbi sa halalan ang increase na ibinigay sa kanilang honoraria at allowance kung papatawan lang naman din daw ito ng 20% na buwis.



Malaking alalahanin din daw sa mga ito ang mag-duty ngayon dahil sa pandemya at sa pangamba na mahawahan sila ng COVID-19 sa mga voting centers.

Samantala, magugunita na una nang ipinahayag ng DepEd na nasa 600,000 na mga guro at non-teaching personnela ng magseserbisyo para sa mismong araw ng halalan kung saan ay makakatanggap ng P7,000 na honorarium ang mga electoral chairperson habang P6,000 naman sa electoral board, P5,000 naman ang matatanggap ng mga support staff at medical personnel.

Mayroon ding dagdag na P1,500 na communication allowance ang mga electoral chairperson at technical support staff, at P500 naman para sa COVID-10 allowance.

Subaybayan natin!

***



Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.

Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.