Advertisers
Hindi na naitago ni Atty. Ferdinand Topacio ang pagkadismaya nito sa Senado at Court of Appeals(CA) sa ginagawa nitong pag-iisnab sa kaso ng dalawang Pharmally Executives na 6 na buwan nang nakakulong sa Pasay City Jail nang walang kinakaharap na criminal case.
Sa isang tweet ay inilabas ni Topacio ang sama ng loob sa patuloy na paglabag sa due process at kawalang pakialam ng Senado sa kalagayan nina Pharmally Director Lincon Ong at Pharmally Secretary Mohit Dargani na matapos kasuhan ng contempt at ipakulong noong nakaraang taon sa isang Senate investigation ay hinayaan nang mabulok sa kulungan dahil abala na ang mga senador sa pangangampanya.
Sina Senate President Tito Sotto at Sen. Panfilo Lacson ay una nang nagsabing pabor silang palayain na ang dalawa dahil naka-recess na ang Senado at tapos na ang kanilang imbestigasyon sa Pharmally mess subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nagpapalabas ng clearance para sa kanilang paglaya si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen.Dick Gordon na syang may hurisdiksyon sa isyu.
Ayon kay Topacio nagpasaklolo sila sa CA at naghain ng habeas corpus petition dahil sa illegal detention subalit nakakalungkot na inupuan din ito ng ilang buwan ng appellate court, ani Topacio, para umusad ang kaso ay kinailangan pa nilang magsampa ng kasong administratibo at motion to inhibit laban kay CA 5th Division Associate Justice Apolinario Bruselas.
Matatandaan na naging kontrobersiyal si Bruselas nang tanging ito lamang ang bumagsak sa 7 kandidato na sumalang sa public interview ng Judicial Bar Council para sa inaaplayang posisyon bilang Associate Justice sa Supreme Court, naungkat kasi sa nasabing public interview ang administrative case na kinahaharap nito sa Judicial Integrity Board at ang delay sa pagresolba sa mga hawak na kaso.
Sa kasalukuyan ay nag-inhibit na si Bruselas sa habeas corpus case at nairaffle sa CA 4th Division sa sala nina Associate Justices Ramon Bato Jr, Rafael Antonio Santos at Lorenza Bordios.
Sinabi ni Topacio na umaasa silang maaksyunan na ang petisyon dahil hindi lamang ang kalagayan ng kanyang kliyente ang nakasalalay dito kundi maging ng pamilya.
Subaybayan natin!
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.