Advertisers
PUMUPUTOK na ang mga nakakasulasok na baho ng angkan ng mga Lacuna. Ang huli ay ang anomalya sa pondo ng Liga ng mga Barangay sa Maynila.
Ang Liga ay pinamumunuan ni Liga President Lei lacuna, kapatid ni outgoing Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Multi-million pondo ng Liga ang nawawala?!
***
PUMALAG na ang maraminng barangay chairmen sa maanomalyang pamamalakad ni Lei gaya ng implementasyon ng Barangay Amelioration Crisis Assistance Fund (BACAF).
Nagpasa kase ng isang resolution nitong Abril 21, 2020 para mailabas ang P11,648,000 o P11M mula sa saving at supplemental budget ng Liga.
Gagamitin daw para sa covid crisis!
***
KUNG susuriin para wala naman maanomalya, pero sa mga taong magaling sa aritmetik tila sobra ang pera inilabas para sa 896 barangays sa Maynila.
Sa ilalim ng Liga Resolution, makakatangap umano ng tig-2000 ang bawa’t barangay chairmen habang tig-500 naman para sa mga pitong Kagawad, 1 Secretary at 1 Treasurer.
P6,500 lang lalabas?!
***
PERO sa pagsusuri ni Liga Auditor Nelson Ty tila bobo sa math ang ilang opisyales ng Liga. Aabot lamang daw sa P5,824,000 o P5M ang dapat inilabas na pondo.
Kung ganoon, halos kalahati ang naibulsa este ang sobra sa inilabas ng Lei Lacuna at gang nito sa pondo ng Liga.
Nakupoo, talaga pala totoo ang kumakalat na sa panahon ng pandemya, maraming ang kumita at nagsamantala.
Iba talaga kapag Lacuna, kapal ng mukha!
P155,000 BRGY SHARE FUNDS, ASAN NA?
HETO pa ang kinukuwestyon ngayon ang seminar ng mga barangay sa Baguio city na ginastusan ng P155,000 share ng bawat barangay.
Halos hindi natuloy ang naturang seminar dahil inabot ng pandemic nitong Marso 2020 ang seminar.
Pero ang mga hindi naka-attend, wala nang refund!
***
SA susunod na natin idedetalye ito mga katoto, pero hindi ba kayo nagtataka, ang pamilyang Lacuna ay convicted sa ill-gotten wealth sa Sandiganbayan at ipinasosoli ang mga bahay at lupa, kotse at iba pa ari-arian na unlawfully acquired ng kanyang magulang na sina dating Vice Mayor Danilo Lacuna at Melanie Honrado Lacuna.
Hanggang ngayon mga anomalya pa rin sa pondo ang kinasasangkutan ng mga anak nito —— pondo ng Manileno!
Naku, hinde pa ba kayo nadadala?!
BBM AT SARA SA BANSA, LOPEZ
AT RAYMOND SA MAYNILA!
ITO ang sigaw ngayon ng maraming Manileno sa naganap na Grand Proclamation Rally nitong Sabado sa Bustillos, Sampaloc, Maynila.
Kaya kung pagbabasehan ito may nanalo na nga lalo sa Maynila, ang tandem nina Atty Alex Lopez at Raymond Bagatsing.
Sa nalalabing araw ng halala, may nanalo na!
***
BASE na rin sa Publicus Asia survey may 28% ang nanatiling undecided pa rin kung sino ang kanilang iboboto Alkalde sa Maynila.
Ang 28% na ito ay punapaling hindi kay Vice Mayor Honey Lacuna, kundi sa kanyang kalaban si Atty. Alex.
‘Yan ang totoo mga katoto!
LACUNA, PABAGSAK SA SURVEY
PABAGSAK ang rating ni Lacuna. mula December 2021 survey na 43%, bumaba sa 32% hanggang sa nitong Abril ay lumagapak sa 26%.
Malinaw ang mensahe ipinaabot sa pagbagsak ng ratings ni Lacuna, ayaw nila sa ka-tandem ni Yorme.
Bukod sa masungit, wala pa alam sa pamamalakad sa city hall!
***
MAYORYA ng mga city hall employees ay ayaw kay Lacuna. Ang pangit ng kustombre kase nito sa pakikiharap sa mga tao.
Plastic kumbaga, hinde genuine magsalita at walang sensiridad makipag-usap sa mga tao, parang si Yorme.
Hinde na tayo magtataka, same feathers, flocks together!
***
(Ang Parating na ang Pagbabago ay lumalabas tuwing Lunes at Huwebes, mababasa rin sa digital platform ng policefilestonite.net)