Advertisers

Advertisers

‘BATTLE ROYALE’

0 382

Advertisers

MATINDI ang hidwaan sa pagitan ng mga provincial bus operators at LTFRB at MMDA. Lumantad ito nang matapos ang ipagpaliban ng LTFRB at MMDA sa paghuli sa mga bus pamprobinsya na humimpil sa kani-kanilang mga pribadong istasyon noong Semana Santa. Ipagpapatuloy ko sana ang birada sa kapalpakan ng LTFRB sa pamumuno ni Martin Delgra pero iniliban ko dahil sa Mahal na Araw. Noong Martes, nag-umpisang manghuli ang MMDA ng mg provincial buses sa kanilang himpilan sa Edsa. Nagkaroon ng mistulang “battle royale” na nauwi sa sabunutan sa pagitan ng tatlong grupo. Naglabas ng sama ng loob sa mga provincial bus operators dahil hindi iginagalang ang diumanong “gentleman’s agreement na bawal na sila ulit sa Edsa at sa mga designated bus terminals lang pwedeng magsakay ang mga ito. Ayon sa dating MMDA chairman Timothy Orbos, maganda ang layunin ang mga unified bus terminals sa PTX at Philippine Arena. Pero kailangan may magdadala sa libu-libong mga pasaherong sasakay sa kanila. Ang disenyo ng mga unified bus terminals may abang para sa mga tren na galing sa sa malalaking himpilan o “central station sa kalakhang Maynila humimpil sa nasabing unified bus terminals kung saan sasakay ang mga biyahero pamprobinsya. Pero wala pang tren. Sa maikli, pinagana ang mga terminals na wala pang maghahatid sa mananakay. Ang masama, tila nagtuturuan at nagbabatuhan ng sisi ang mga namumuno dito at nagsasaad na “hurt” ang kanilang feelings.

Teka muna mga bok, bago kayo magsagawa ng “battle royale” at mag-iskrimahan dahil sa nasaktan niyong “ego,” alalahanin na ang dehado ay mga mananakay, at hindi kayong mga inutil. Alalahanin ng mga nanunungkulan sa LTFRB at MMDA na tungkulin nila ang panatilihin na maayos at mabilis ang serbisyo para sa mga mananakay. Sila ang nagbabayad ng mga sweldo niyo, mga kumag kayo. Kaya kung mayroon dapat ma-hurt ang feelings ay ang publiko. Nararapat lumahok kayo sa “sensitivity training” para mas napupuna ninyo ang problemang kinakaharap ng mga mananakay. Iminungkahi at nag alok pa ng P2 milyon pabuya ang dating senadora Nikki Coseteng para bumaba sa trono sina Arturo Tugade. Mamasahe at makihalubilo sa mga mananakay papuntang probinsya. Inaanyayahan ko rin ang LTFRB Chairman Martin Delgra. Hindi ako magbibigay ng pabuyang P2 milyon, sasagutin ko ang pamasahe ninyo. Ano sey ninyo? Nang malaman ninyo ang dinaranas na pasakit ng mga commuters dahil mga kagagawan ninyo.

Oo nagbukas kayo ng puwang sa oras kung kailan pwede bumiyahe sa EDSA ang bus, mula alas diyes ng gabi hanggang alas 5 ng umaga. Samakatuwid kung taga Bulacan ako at nag-oopisina sa Makati aalis ako ng alas 3 para makarating sa terminal ng alas 5. Pag-uwi maghihitay ako hanggang alas-10 ng gabi. Makak uwi ako ng ala-1. Bulacan pa lang yon. Isang malaking kahibangan ito.



Hindi pa natatapos ang kabaryo ng mananakay, at mukhang matagal pa dadanas ng hagupit ang mga biyahero sa kaululan ng DOT, LTFRB at IATF. Nananatili pa ring nakasaksak sa tumbong ang mga hinlalaki nila. Malapit na halalan bago pa man, umayos kayo mga ulol.

***

MULA ng maganap ang presscon noong Lunes sa Manila Peninsula, ang bawat isang nagsilahok sa naturang presscon ay sumandok ng umaatikabong kritisismo. Ang masakit sila ay naging katatawanan sa marami. Sa prescon noong Pasko ng Pagkabuhay, pinuna ni Lacson, Isko Moreno, at Norberto Gonzales si Leni Robredo, bagama’t, ayon sa mga surveys, pumapangalawa siya sa nangungunang si Marcos Jr. Pero ang masaklap, hindi natapos ang araw, nag-“about-face” ang lumahok sa pangunguna ni Panfilo Lacson na sinabing wala siyang alam sa paglihis ni Domagoso. Ganoon din ang sentimyento nina Willy Ong, at Tito Sotto, na nagparang Tito Escalera sa pagtanggi. Heto ang pagsuri ng matalinhagang isip ni Propesor Jose Victor Torres, at sinalin ko sa Pilipino base sa sinabi ng bawat lumahok, mula kanan pakaliwa, sa presscon sa Manila Pen :

1. Iyong hindi nangunguna inuudyok ang nangunguna na umatras sa kampanya dahil ito ay nangunguna.

2. Nagtataka ka ano ang maibibigay ng hindi nangunguna alang-alang sa “pagkakaisa”.



3. Yung nawalan ng “political base” dahil binitawan siya ng partido politikal niya, pero pursigido pa rin siya na tatakbo.

Lahat pala sila naniniwala sa mga surveys. Balik kay Domagoso. Tila nag-init at lalo nag-“beast mode” ang alkalde, kaya pinuntirya niya ang Robredo campaign manager Bam Aquino, at tagapagsalita ng VP si Barry Gutierrez: “Barry tabi ka muna sa gedli. Pansalitain mo amo mo. Baka hindi niya mabasa, kailangan niya ng teleprompter… ” Hindi ito pinansin ni VP Leni at hinayaan lang sila. Ani VP Leni: ” Hindi ko siya papatulan, dahil hindi naman simpleng laban lang naming dalawa. Laban ito ng bayan natin, may mas malaking laban na kailangan nating panalunin…” Para sa akin maganda ang sagot ni Nuelle Duterte isang netizen: “I applaud VP Leni’s response to the attempts to engage her in a word war. I try to do the same thing. The personal attacks don’t matter, in the grand scheme of things. What matters is getting people engaged in choosing better leaders and a better government, so that there can be a better life for all…” Pinaneguduhan din ito ni Barry Gutierrez: “Malinaw ang direksyon ni VP Leni sa ating People’ Campaign, huwag magpatalo sa emosyon, focus lang sa kampanya. Kung may mga kandidatong naghahanap ng papatol sa kanila, tumingin na lang sa iba…” Ang matinding responde sa kanya ng madla na nataon sa kanyang kaarawan at patunay sa nagbabadyang daluyong na kalimbahin. Hindi kayang pantayan ito.

Paalala ko lang gamit ang mga salitang baligtad na kinahihiligan mong gamitin. Bomalabs ang style mong bulok dahil ang pinupunterya mo ay ang nakaupong pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa, ang Bise-Presidente ng Republika ng Pilipinas. At bilang isang opisyal ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas magpakita ka ng konting respeto. Yaman din lamang mahilig ka gumamit ng mga quotes at kasabihan, heto ang sinabi ni Roy T. Bennet, CPA-lawyer at naging pinuno ng Republican National Party sa Amerika: “Every choice comes with a consequence. Once you make a choice, you must accept responsibility. You cannot escape the consequences of your choices, whether you like them or not…” Sa ngayon tinalikuran ka na ng sarili niyang Partido Demokratiko Youth Sector sa partido mo, pati liderato ng mga Muslim-Pilipino. Ewan ka lang kung ilan na lang ang susmusupota sa iyo pagkatapos mo ipakita ang asal-kalye mo.

Ang masasabi ko na lang sa iyo Mr. Domagoso Sa gedli ka pupulutin.

Bibitaw na ako sa isyu at “quotable quote” ang pantuldok ko galing sa kaibigang kong propesor Bayani Santos: “As Filipinos we know that a man quarreling with a woman has no chance of winning. As Christians and Muslims, we know that God condemns exploiters and hecklers of just and Godly widows and orphans…”

Dehins ka na. Olats ka na. Kasihan nawa tayong lahat ng Poong Kabunian.