Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SECOND movie na ni Francis Grey ang pelikulang Katiwala na pinamahalaan ni Direk Joven Tan.
Aminado ang actor na ito ang pinaka-daring niya so far. Bukod sa bed scene, nagpasilip kasi siya rito ng puwet.
Paano niya ide-describe ang pelikulang Katiwala?
Tugon ni Grey, “Sexy movie po na may pagka-supense, na mayroon ding action, kasi may patayan and nakawan po, eh. Pero more on sexy and suspense po talaga ang movie.”
Dagdag pa ng guwapitong aktor, “For me, super-sexy po ang role ko rito dahil first time ko po magkaroon ng kissing scene at bed scene po sa eksena.”
Bukod sa bed scene, may ipinasilip ba siya sa movie?
“Opo! Mayroon po, iyong bandang back po sir, yun lang po,” matipid na tugon niya.
Nakangiting wika pa ni Grey, “Opo, butt ang ipinakita ko sa movie. Pero okay lang po, kasi sa first movie ko na Nang Dumating Si Joey under Direk Arlyn dela Cruz, nagkaroon na rin po ako ng butt exposure, pero mas marami rito sa Katiwala.”
Ayon pa kay Francis, ang pelikulang Katiwala ang masasabi niyang pinaka-challenging role na nagampanan niya, so far.
Lahad ng tisoy na aktor, “Yes po, masasabi ko po na yung role ko sa Katiwala ay ang pinaka-challenging po. Hindi dahil lead role po, pero siguro ppo dahil kakaiba at bago lang… and first time kong gawin yung mga ginawa ng character ko po na si Benny.”
Aniya pa, “Maliban sa akin, kabilang din sa casts sina Ronnie Lazaro, Simon Ibarra, Gio Santos, at Eljay Bravo.
“Mabilis din mag-shoot si direk Joven po. Isa yun sa nagustuhan ko po sa kanya. Kumbaga, kung trabaho, dapat trabaho at dapat ay naka-focus ka palagi sa work. Which is for me, sobrang gandang ugali niyon.”
Ayon pa kay Francis, masaya siya sa pangangalaga sa kanya ng bago niyang management.
“Kaka-sign ko lang po sa Virtual Playground, kay sir Dondon Monteverde and Charlie Dy.
“Ramdam ko po ang care at pag-aalaga sa akin ng bago ko pong management. Five days pa lang ang lumipas pagka-sign ko sa kanila, pero nabigyan na po ako ng project, which is yung Katiwala nga. Kaya malaki ang pasasalamat ko kina Sir Dondon, Sir Charlie, Sir Mark… salamat at sa lahat ng bumubuo ng Virtual Playground,” masayang sambit pa ni Francis.