Advertisers

Advertisers

MARIKINA CITY MAYOR KINUKUWESTIYON NG MGA MARIKEÑO?

0 1,769

Advertisers

MGA ka-ARYA, hindi na bago na hinahanapan ng resibo ng mga botante ang mga pulitiko.., ito ang karaniwang eksena tuwing eleksyon sa mga reelectionist.., ang kanilang nagawa sa kanilang nasasakupan ang batayan ng mga residente kung ibobotong muli o hindi.., samantalang sa mga baguhang kandidato ay ibinibida naman ang kanilang kayang gawin at plataporma.

Sa MARIKINA CITY ay ito na ang eksena sa ngayon.., , si MAYOR MARCY TEODORO ay hinahanapan na ng resibo sa mga nagastang pondo kung saan napunta at saang proyekto inilaan.., lalo at nakadalawang termino na ito at tumatakbo ngayon para sa kanyang huling termino, subalit wala pa umanong nakikitang major projects sa lungsod.

Kung ganito ang tanong ng MARIKEÑO kay MAYOR MARCY ay isa lamang din ang tanong ko sa aking sarili.., hindi ba naging transparent si Mayor sa kanyang mga government procurement transaction, wala bang nakitang proyektong umusbong sa lungsod?



Ano ba ang katotohanan sa ilang social media posts na nagsasabing 6 bilyon ang UTANG NG MARIKINA? Makikita kasi sa LGU debt data ng DILG-BUREAU OF LOCAL GOVERNMENT FINANCE na nasa kanilang website na www.blgf.gov.ph na may mga PONDONG NAIBIGAY sa MARIKINA CITY mula noong 2017 hanggang 2022 na umaabot sa P6B subalit wala namang nakitang major projects.., TOTOO BA ITO MAYOR?

Batay sa website ng DILG noong 2017 ay nasa P1.2B ang pondong nakuha ng MARIKINA, P3.83B(2020), P1.72B(2021) at P0.924B(2022).., ang tanong ng mga kritiko ng alkalde ay nasaan ang detalye ng mga ito?

Ang bulto kasi ng ayuda sa kasagsagan ng pandemic ay nanggaling sa national government pangunahin na bakuna na libre para sa lahat habang ang MOLECULAR LABORATORY na itinayo sa MARIKINA CITY ay hindi ginastusan ng malaki dahil itinayo ito sa dati nang gusali.

Kasabay ng paghanap ng resibo kay MAYOR MARCY ay kumakalat ngayon sa MARIKINA ang mga litrato na nakabili na ng ibat ibang real property ang alkalde. Mayroon daw 4 BAHAY at LUPA sa BARANGAY SAN ROQUE partikular sa JP RIZAL St; EAGLE St; FLAMINGO St at MABINI ST, isa sa RANIER St, BARANGAY ELENA at 2 BAHAY pa sa LOYOLA GRAND VILLAS.

Sinasabing may 3 property rin si MAYOR MARCY sa ST. CAMILUS, APITONG St, DAO CORNER BALAGTAS St, IPIL corner NARRA ST na pawang nasa MARIKINA HEIGHTS, bakanteng lote sa tabi ng FORTUNE ELEMENTARY SCHOOL, SANTAN St at sa BG MOLINA corner G. DEL PILAR, PARANG, MARIKINA.



Hindi matatapos ang paghabol kay MAYOR MARCY ng ganitong mga akusasyon hanggang sa hindi nya ito idenedetalye sa mga MARIKEÑO. Tayo ay nasa campaign period pa rin kaya etong si MAYOR MARCY.., sa halip na pag-iikot at pagdalo sa mga rally ay ito ang unahin.., ilabas ang resibo!

***

MARSO TANDEM INARYA NG PHILTRAM!

Umarya na sa pangangampanya ang transport group na PHILIPPINE TRANSPORT MONITOR (PhilTraM) sa pagsusulong na maipanalo ang MARSO TANDEM o MARCOS-SOTTO para sa May 9, 2022 Elections.

Nitong nagdaang Martes (April 21) ay pormal na inilunsad ng PhilTraM ang tambalang MARSO nina dating SENATOR at nangungunang PRESIDENTIAL CANDIDATE BONGBONG MARCOS at SENATE PRESIDENT TITO SOTTO.., na humarap sa mga mamamahayag ang mga PhilTraM officials na sina PhilTraM NATIONAL CHAIRMAN AIO BAUTISTA; JOJO CORDERO VICE CHAIRMAN FOR RIDERS; FERNANDO FELICIANO na VICE CHAIRMAN FOR TRIKE; at EDMON SANTOS na VICE CHAIRMAN FOR JEEPNEY.

Sa ginanap na press conference sa isang fastfood center sa QUEZON CITY ay inihayag ni PhilTraM NATIONAL CHAIRMAN AIO BAUTISTA, na isinusulong nila ang MARSO na may temang “MarSo hanggang Mayo” at “Sa MarSo, Masa Panalo”.., at naniniwala ang mga ito na hindi pa huli ang kanilang grupo sa paglantad upang ipakita sa sambayanan ang kanilang pagsuporta at pagsusulong ng tambalang MARSO.

Inihayag ni BAUTISTA na ang kanilang hanay ay naniniwalang MALAKI ANG MAITUTULONG ng tambalang MARSO sa kanilang grupo dahil tugma at napapanahon ang POLITICAL PLATFORMS nina BBM at SOTTO sa kapakanan at adbokasiya sakaling palaring mailuklok ang mga ito sa dalawang pinakamataas na ELECTIVE POST ng ating bansa.

Ang PhilTraM ay kinabibilangan ng 3 iba’t ibang grupo ng transportasyon gaya ng mga FOOD DELIVERY RIDERS na nagsilbing FRONTLINERS sa panahon ng pandemya; TRICYCLE DRIVERS na malaki rin ang naiambag sa esensiyal na pangangailangan habang may COVID.., at JEEPNEY DRIVERS gayundin ng iba pang TRANSPORT MOVERS!

— 000 —
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.