Advertisers

Advertisers

Gerald at Julia trending ang sweetness sa socmed

0 195

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

CHALLENGE naman para kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang role na kanilang gagampanan sa bago nilang project.
Kung dati ang hatid ng dalawa ay iyakan as in drama, kakaiba naman ang mga character nila sa nasabing project.
Isa itong RomCom na first time gagawin ng real sweethearts, ang Good 2 Be True.
Magpapatawa ang couple sa kanilang comeback project.
Pero alam nyo ba kung bakit napapayag si Kathryn na gawin ang proyekto at napapayag ni Daniel.
Dahil sa veteran actor kaya naman di na nagpatumpik-tumpik si Kayhryn at pumayag na gawin ang pagbabalik tambalan nila ni Daniel.
Nang umoo si Ronaldo Valdez ay masaya ang couple dahil noon pa pala nila target na makasama ito sa proyekto.
Sa husay nga ng veteran actor na si Ronaldo at ngayon makakasama na ng celebrity couple ang pudra ni Janno Gibbs, labis ang kanilang kasiyahan.
Dream come true naman para sa KathNiel na makasama ang beteranong aktor.
***
NAGING trending ang sagutan ng magdyowa na Gerald Anderson at Julia Barretto.
May isang post kasi si Julia sa sariling socmed account na nakatayo sa terrace.
Napaka-seksi at class ang larawan na ‘yun ni Julia. Marami ngang nagbigay ng magagandang komento sa larawan ni Julia.
At kahit ang bf na si Gerald ay napakomento rin.
Biglang nagkomento ang guwapong aktor sa larawan ng gf sabay sabi nito sa comment, ‘mine’.
Waiting galore naman ang kanilang followers kung ano ang isasagot ni Julia sa ‘mine’ comment ng kanyang bf.
Kinilig ang mga fans nang rumesbak ng sagot ang aktres. Sagot ni Julia, ‘yours’.
Oh di ba, sadyang nagmamahalan ang celebrity couple sa kanilang sagutan sa socmed.
Well, well, well…’Yun na!