Advertisers

Advertisers

KathNiel inintriga ang pag-isnab sa kasal ng bespreng si Patrick

0 173

Advertisers

Ni BETH GELENA

INIINTRIGA ng mga netizen sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa ‘di nila pag-attend sa wedding ng kanilang mga kaibigan na sina Patrick Sugui at Aeriel Garcia.
Nagreak kasi ang mga netizen sa naglabasang wedding photo ng dalawang personalidad na ang mga bridesmaid ay katropa ng mga kinasal.
Si Gabbi Garcia ang nagpost ng mga kuhang larawan sa kasal na isa sa mga abay.
Higit pa sa katropa nina Patrick at Aeriel ang KathNiel kaya bakit daw wala sa kasal ang celebrity couple.
Hindi lang yun isang komento kundi may mga nagsunuran pa.
Mabilis namang nilinaw ng aktres na ang nasabing post niya ay para kina Sugui at Garcia na sinundan pa ng paghingi ng respeto ng nobyo nitong si Khalil Ramos.
“This post is for Pat & Ae, our newlyweds. Mahiya naman po kayo,” saad ni Gabbi.
“Respeto na lang guys eh. Mahirap ba ibigay yun?” hirit din ni Ramos.
Hindi na nagustuhan ng groom ang mga komento ng ilang fans kaya napilitan na niyang sagutin ang ilan at sinabing nasa lock-in taping sina Padilla at Bernardo kaya hindi sila nakapunta.
“Pinagsasabi mo? Nasa lock in taping sila kaya wala sila. Nagmamarunong ka diyan? Close ka? Hanap ka ibang trip. Wag asawa ko,” depensa ni Sugui.
Pinabulaanan din niya ang mga usapan na hindi sila OK ng KathNiel kaya hindi ito dumalo sa kanilang kasal.
Paliwanag ni Patrick, sinubukan niya pang ipaalam ang dalawa sa direktor na payagan silang makapunta ngunit hindi umano ito pumayag.
Hindi kumbinsido ang ilan sa mga fans ng KathNiel sa paliwanag ni Patrick dahil nakadalo raw ang KathNiel sa binyag ng anak ni Riva Quenery.
Tiyak na may paliwanag ang KathNiel sa bagay na ito.
***
RIA OK NA MAS MAGKAIBIGAN SILA NI JOSHUA
KLINARO ni Ria Atayde kung ano bang level ang relasyon nila ni Joshua Garcia.
Natanong ang aktres sa isang panayam kung saan may Mother’s Day series sila ng inang si Sylvia Sanchez na Misis Piggy
“We are better off as friends,” ani Ria.
Paliwanag niya, “Well feel ko kasi we laugh about it talaga at this point. It’s Josh. He’s such a dear friend to me and I feel like it’s nice to know that we are as comfortable as we are with one another.”
Pag-amin pa ng aktres, “Mas na-reassure ako na he’s everything. Rumored boyfriend ko nga daw siya pero mas nare-reassure ako sa lalim ng friendship namin for us to withstand the rumors and all. Whatever people throw at us, parang kampante ako that we could be friends forever.”
Pero never niyang dinenay na attractive si Joshua para sa kanya.
“Josh was an attractive guy, he’s just really younger and for me it’s such a alam niyo ‘yon? I’m 30 and Josh is what turning 25 pa lang,” masayang sambit ni Ria.
Alam ni Ria na secure ang friendship niya sa aktor
“I mean I get it, Josh is an amazing guy tama rin naman pero some people are better off as friends kasi that way. Mas secure ka na hindi mo siya mawawala in your life so I guess that’s it na lang rin na we’re better off as friends so at least I know I can keep him forever.”
***
JEREMY DEADMA SA ENGAGEMENT KAY PIA
NAKUNAN ng kaunting pahayag ang boyfrienï ni Pia Wurtzbach na si Jeremy Jauncey.
Tanong ng interviewer kay Jeremy kung totoo bang engaged na sila ng Miss U 2015.
Ang sagot ng gwapomg entrepreneur, “i can not comment in that… i’m afraid.” Natatawang sagot n# boyfriend ni Pia.
Hmmm … may somethiny fishy sa sagot ng dayuhang boyfried ni Pia.
“We respect naman Jeremy so we’re willing to wait sa pag out about engagement “ komento ng netizen.
“Walang mangyayaring pag out. Akin si Jeremy. Kami magkakatuluyan at pinakilala ko na sya sa mama ko. Char.”
“Pang universe din sagot… >p they are lucky to have each other”