Advertisers
Nilusob ng grupong nagtutulak sa tambalang Marcos-Sotto o MarSo nina Bongbong Marcos at Senate Prez.Tito Sotto ang lalawigan ng batangas sa pagsasagawa ng isang malaking motorcade na kumpleto bg ng balakatak o patuloy sa pagpapatugtog ng campaign jingle ng pinakabago at tinaguriang perpektong tambalan para sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.
Ayon sa Philippine Transport Monitor ( PhilTram ) National Chairman Aio Bautista, matapos ang motorcade na bumaybay sa dalawang malalaking lungsod ng Batangas partikular na ang Tanaun at Sto. Tomas City,pinili nilang isulong ang tambalang MarSo dahil sa paniniwalang matutugunan ng dalawang kandidato ang karapatan at kapakanan ng transport sektor na kanilang kinabibilangan.
Maliban sa Batangas, nakatakda pang magtungo at magsagawa ng katulad na pagiingay-pakilala ang PhilTram ng tambalang MarSo sa lalawigan ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac Ilocos at iba pang rehiyon ng Norte ayon pa kay Bautista.(BC)