Advertisers
Ni WALLY PERALTA
AMINADO ang tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid na malaki na talaga ang pinagbago ng timbre ng kanyang boses kumpara noong nagsisimula palang siya sa music industry.
Pero hindi naman nababahala si Regine sa pagbabagong ito, hindi tulad noon nang bigla siyang nawalan ng boses habang nasa isang malakihang concert niya. Iba naman daw kasi ang kaso ngayon.
”You know when you’re a woman there’s so many changes in your body when you give birth, I’m going through menopause, plus yung mga hormones it affects your voice. Nagbago na rin kasi nung bata ako, parang kahit tulog ako kaya kong kumanta eh. Ganun lang naman talaga yun eh, you just have to get used to it again. There was a time I also wasn’t singing,” say ni Regine.
Unti-unti na rin naman nakakasanayan ni Regine ang changes sa timbre ng kanyang boses.
“My voice has changed. It doesn’t sound the same and I’m okay with that kasi ang weird naman kung parang 50 years old tapos ganito yung boses ko,” dagdag pang say ni Regine.
Samantala, excited na rin si Regine sa muling pagsasama nila ni Megastar Sharon Cuneta sa isang concert, ang follow up ng “Iconic” concert na unang ginawa nila ni Ate Shawie last 2019. Ngayon naman ay gagawin sa darating na June 17 and 18 at the Marriott Grand Ballroom at Resorts World Manila in Pasay City.
***
RHEN ESCANO PAHINGA SA HUBARAN, MANANAKOT MUNA SA BAGONG PELIKULA
PAGKATAPOS halos ng sunud-sunod na pelikulang ginawa ng sex nymphet na si Rhen Escano na may temang hubaran at sex, tulad ng “The Other Wife”, “Paraluman” at sa lesbian series, “Lulu”, kakaibang Rhen ang mapapanood ng kanyang mga follower dahil wala munang hubaran sa horror flick na “Rooftop”, showing this April 27.
“Yes, mananakot naman kami rito. Ryza Cenon, Marco Gumabao, Ella Cruz and Marco Gallo play students who accidentally kill someone while they’re having fun in their school’s rooftop. We covered the crime but then our victim, played by Epy Quizon, returns to haunt and take revenge on each of us,” say ni Rhen.
Aminado naman si Rhen na dahil first time niya na mapasabak sa horror movie at walang hubaran, nangapa raw nang husto ang kanyang byuti.
“I was asking Direk Yam Laramas kung effective ba akong mapa-feel talaga sa audience na matatakot sila sa scene na ito. Sabi ko, kasi ako, direk, parang wala akong napi-feel.
“I told Direk Yam na nahihirapan akong i-build up yung feeling ng sobrang takot ng character ko. But sila ng buong team niya, they all helped us in the scary scenes. We were able to hit all the right notes to scare the viewersang dagdag pang say ni Rhen.