Advertisers

Advertisers

SERBISYONG MAY PUSO NI MAYOR EGAY SAN LUIS

0 607

Advertisers

SI Mayor Edgar “Egay” San Luis ang kasalukuyang mabunying alkalde ng Sta. Cruz, Laguna na isang first class municipality at seat of power o kapitolyo ng lalawigan.

May kabuuang populasyon ito na umaabot sa 123,574 base sa 2020 census.

Naging landmark sa liderato ng low key but effective Mayor Egay San Luis ay ang kanyang naging Covid-19 response efforts na talaga namang tumugon sa lahat ng pangangailangan ng kanyang mga constituents sa gitna ng matinding krisis.



Sa kabila nang biglaang pangyayari at pagkalat ng virus sa kanyang pamayanan, nagawa ni Mayor Egay ang pagpapatayo ng isang maayos na isolation facility para tumugon sa pananalasa ng salot na sakit.

Tinutukan din ni Mayor San Luis ang health services above all,at dahil sa kanyang dedikasyon, sipag at determinasyon, nalampasan at naitawid ng mga mamamayan ng Sta. Cruz ang nasabing napakalaking pagsubok na dumatal sa kanilang buhay.

Napakaganda ng leadership style ni Mayor Egay na naka- sentro sa “non-comfrontational approach”.

Sabi nga ni Mayor Egay, 45 days lang ang halalan and after that, marapat lamang na lahat ng mga lider ng bayan ay makatulungan at tahakin ang iisang landas tungo sa pagkakaisa at kaunlaran.

Isa rin sa katangi-tanging pag-uugali ni Mayor Egay ay ang pagsangguni sa lahat ng “stakeholders” bago pa man magdesisyon sa ano mang plano o proyektong kanyang isasagawa.



Sa paraang ito, makukuha ang lahat ng panig at magkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makapagbigay ng suwestiyon.

Ipinagmamalaki ni Mayor San Luis ang kanyang itinayong modernong Command Center na pangunahing sandalan ng bayan ng Sta. Cruz sa pagresponde sa mga emergencies, pagmintine ng peace and order at pagsupil sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Ito rin ang susi sa pagdurugtong sa dalawampu’t apat (24) na urban barangays ng Sta. Cruz sa tanggapan ng punong bayan.

Aminado rin ang alkalde na bagamat marami na siyang nagawang mabuti para sa mga mamamayan ng Sta. Cruz, marami pa ring problemang kinakaharap ang kanyang mahal na bayan gaya ng poverty o kahirapan sa pamumuhay ng mga tao.

Ang kasalukuyang estado ng palengke ng Sta. Cruz na kailangang ayusin at isa-moderno.

Naririyan pa rin ang pangangailangan sa dagdag medical services at drainage system ng siyudad.

Sinabi pa ni Mayor Egay na dahil sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng mga karatig bayan at mga lalawigan nila, may agad na pangangailangan para sa pagsasaayos ng kanilang lugar sa pamamagitan ng “urban planning” upang makaagapay hindi lamang ang bayan ng Sta. Cruz kundi maging ang lalawigan ng Laguna sa fast pace changes na nangyayari.

Sa ngayon ang bayan ng Sta.Cruz ang tumatayong administrative, commercial, and service center ng lalawigan ng Laguna.

Nagpapasalamat rin si Mayor Egay sa mga taong tapat na sumusuporta sa kanya at naniniwala sa kanyang mga prinsipyo at adhikain sa paggabay sa bayan ng Sta. Cruz tungo sa rurok ng pagkakaisa, tagumpay at kasaganaan.

More power sir Egay and God Speed!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com