Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
PAGKATAPOS pag-usapan ang kanyang mga nakakaelyang eksena kasama si AJ Raval sa seryeng “Iskandalo”, tiyak namang magiging kontrobersyal ang fast-rising sexy star na si Ayanna Misola sa pelikulang “Putahe.”
Ayon kay Ayanna, hindi naman big deal sa kanya ang gumawa ng sexy scenes sa kapwa babae.
Aminado naman siyang sexually fluid siya at isang ally ng LGBTA community.
Katunayan, ayaw daw niyang husgahan ang mga tibo o pards dahil malaki ang respeto niya sa mga ito.
Speaking of love scenes, inamin din niyang mas madali sa kanya ang gumawa ang love scenes sa kabaro kesa sa mga barako.
Sa pelikulang “Putahe,” ang dating Ms. Earth na si Janelle Tee ang kanyang makakakangkangan.
“Noong una, may asiwa factor pero naisip ko, part lang siya ng trabaho ko bilang artista,”ani Ayanna.
Dagdag pa niya, mas kumportable raw siyang maka-love scene ang babae.
“Kilala ko po kasi si Janelle. Kapag kasi kapwa babae kayo, nagkakaintindihan kayo. Alam mong walang magti-take advantage sa iyo. “Naiintindihan mo rin kung ano ang ayaw niya na ayaw mong gawin din sa iyo,”paliwanag ni Ayanna.
Sa pelikulang “Putahe”, ginagampanan ni Ayanna ang role ni Jenny, isang probinsyana na nabighani sa isang bagong saltang dayuhan sa kanilang isla na binibigyang-buhay ni Euka. (Janelle Tee)
Sa kanilang engkuwentro, maraming matututunan si Jenny kay Euka hindi lang sa pagluluto kundi sa kanyang pagkababae.
Dahil tumatalakay ang pelikula sa pagkain at pag-ibig, naibida ni Ayanna na paborito niyang putahe ang kare-kare.
Mahilig din daw siyang kumain ng petchay at mani na mga sangkap sa pagluto ng kare-kare.
Kasama rin sa cast ng Putahe sina Janelle Tee, Ronnie Lazaro, Mon Confiado, Hershey de Leon, Massimo Scofield, Nathan Cajucom at Chad Solano.
Palabas na sa Vivamax simula sa Mayo 13, ito ay sa direksyon ng cult director na si Roman Perez, Jr. na naghatid sa atin ng “Adan”, “The Housemaid”, “Hugas”, “House Tour”, “Taya”, “Siklo”, “Eskandalo” at “L.”